Heart Evangelista clarifies statement on bullying not alluding to Marian Rivera

IMAGE Courtesy: @iamhearte on Instagram / Edward dela Cuesta

Heart Evangelista on opening up about bullying: "At the end of the day, it's not about who did it to me. It's about what I went through and how I've grown stronger from this traumatizing experience. I simply shared this for a bigger picture—a stand against bullying and harassment." 


Lumikha ng ingay ang Instagram Live chat ni Heart Evangelista tungkol sa bullying noong Sabado, March 24.

Hindi na makikita sa kanyang IG Stories ang nasabing video dahil tumatagal lamang ito sa Instagram ng 24 oras mula nang ma-upload.

Ngunit naisulat ito sa "Showbiz Special" column ni Janiz Navida sa tabloid na Bulgar kahapon, March 25.

Base sa artikulo, paulit-ulit daw na sinabi ni Heart ang ganitong mga salita sa kanyang live chat: “I’m not afraid anymore. I’m coming out ‘coz I’m not afraid anymore.”

Bagamat walang tinukoy na pangalan si Heart sa kanyang video, direktang pinangalan sa artikulo ni Navida si Marian Rivera na siya diumanong pinatutungkulan ni Heart.

Ito ang nakalagay na titulo sa artikulo: "Sa wakas! After 7 yrs., 'di na raw takot... HEART, KINUMPIRMA NANG IKINULONG SA KUWARTO NI MARIAN"


Noong 2011, o pitong taon na ang nakalilipas, naging malaking balita sa showbiz ang naging alitan nina Heart at Marian habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island.

Diumano, ikinulong ni Marian si Heart sa comfort room dahil sa di pa rin makumpirmang dahilan.


Stories We Are Tracking

<strong>(UPDATED)</strong> Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud
(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud
Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista:
Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."
<em>Temptation Island</em> producers request fans to put
Temptation Island producers request fans to put "closure" on Marian Rivera-Heart Evangelista "minor incident"
<strong>(UPDATED)</strong> Heart Evangelista’s Twitter account allegedly hacked to lambast Marian Rivera
(UPDATED) Heart Evangelista’s Twitter account allegedly hacked to lambast Marian Rivera

WOMEN EMPOWERMENT ADVOCACY. Base pa rin sa IG Live chat ni Heart, nagsasalita raw siya ngayon tungkol sa naranasan noon dahil sa kanyang women empowerment advocacy.

Ipi-feature daw siya ng isang magazine na puro lalaki ang cover noon at siya ang kauna-unahang babaeng magiging cover nito.

Ito ay upang ipalaganap ang kanyang adbokasiya para sa mga kababaihan.

Ngunit nilinaw ng aktres na ang pagsasalita niya ngayon ay hindi upang siraan ang sinuman.

Nagsasalita lamang daw siya upang ma-motivate ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan at huwag hayaang maliitin ng kung sinuman.

Isang netizen naman ang nagkomento kung bakit hindi pa siya nakakapag-move on mula sa nasabing pambu-bully sa kanya.

Tugon ni Heart, “I have moved on... but some things are too traumatizing to forget.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala na raw pakialam si Heart kung ano ang sasabihin ng mga tao ngayong sinabi na niya ang kanyang panig sa isyu.

Ang mahalaga raw ay nagpakatotoo na siya.

Mensahe pa ni Heart, “Let’s love each other, stop the hate.”

"IT'S NOT ABOUT HER." Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart kagabi, March 25.

Ito ay upang kunin ang kanyang reaksiyon sa pagkakabanggit ng pangalan ni Marian sa artikulo, sa kabila ng wala naman siyang tinukoy na tao sa video.

Pahayag ni Heart, “At the end of the day, it’s not about who did it to me.

“It’s about what I went through and how I’ve grown stronger from this traumatizing experience.

“I simply shared this for a bigger picture—a stand against bullying and harassment.

“I want to inspire others and let them know that they shouldn’t be afraid to speak up and not allow themselves to be victims."

Nilinaw rin ng PEP.ph kay Heart kung si Marian ba ang kanyang pinatutungkulan?

Sagot niya, “I didn’t mention any names because this isn’t about her.”

MARIAN RIVERA’S SIDE. Ngayong umaga ng Lunes, March 26, sinubukan ng PEP.ph na kunin ang panig ng kampo ni Marian.

Tumanggi silang magbigay ng anumang opisyal na pahayag.

Pagkatapos pumutok ang isyu sa kanila noong 2011, may ilang pagkakataon na nagtagpo muli ang mga landas nina Marian at Heart.

Ang pinakahuli ay ang pagkikita nila sa recent station ID shoot ng GMA Network, kung saan mapapanood sa actual video na ilang hakbang lang ang pagitan nilang dalawa.


Ngunit tila sa ilang pagkakataong iyon ay hindi pa rin natutuldukan kung anuman ang isyung namagitan kina Heart at Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN