Aiko Melendez brings "special someone" to son Andre Yllana's car race in Clark

IMAGE Courtesy: Maria Emilia Melendez Facebook account

Wala si Jomari Yllana sa unang professional car racing competition ng anak na si Andre Yllana. Ngunit ayon kay Aiko Melendez, kasama niya ang boyfriend niyang pulitiko upang magpakita ng suporta sa kanyang panganay na anak. 


Tuwang-tuwa si Aiko Melendez sa tagumpay ng anak na si Andre Yllana, 19, sa Clark International Drag Racing Competition na ginanap sa Clark, Pampanga, kahapon, May 25.

Sa 83 racers na lumahok, pumangatlo si Andre sa kauna-unahan nitong professional race.

Pahayag ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Happy ako that Andre will make a name of his own sa racing.

"That’s his first love so happy that he is excelling sa chosen field niya."

Ang ama ni Andre na si Jomari Yllana ay isa ring professional car racer.

Pagpapatuloy pa ni Aiko, “Happy kami ni Marthena [Jickain, Andre's half sister].

"Also, in every son's journey, there is a proud mom behind it.

"Lagi kami naka-support kay Andre, kahit yung mga inaasahan niya to support him wala."


Wala si Jomari sa race ngunit nandun naman daw ang “special someone” ni Aiko upang suportahan ang kanyang panganay.

Pagmamalaki pa ng aktres, “Kanina, lahat kami andun, including my special someone to support him. Happy kami sa outcome.”

Ngunit ayaw pa ring pangalanan ni Aiko ang “politician from the North” na nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

Pero nangako ang aktres na sa PEP.ph niya unang ipakilala ang boyfriend ilang araw mula ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN