Anne Curtis dismisses competition with Vice Ganda

IMAGE Instagram photo of blk cosmetics (left)/Instagram photo of VICE cosmetics (right)

Anne Curtis does not mind if she and Vice Ganda own competing cosmetic brands. She says, "If you look into the make-up kit of one girl, it doesn't have only one brand. It has all different brands. It goes to show that there is room for everyone."


Nilinaw ni Anne Curtis na walang anumang kumpetisyon sa kanilang dalawa ni Vice Ganda.

Pareho kasing nagtayo ng kani-kanilang cosmetic line ang dalawang It's Showtime hosts—si Anne ay may blk cosmetics samantalang si Vice ay may VICE cosmetics.

Halos sabay nila itong ini-launch noong September 2017.

Pareho ring TriNoma ang napili nilang lugar para sa unang shop ng kani-kanilang produkto.

Ang pop-up store ng VICE cosmetics ay binuksan noong October 2017, samantalang ang blk boutique ay nito lamang Sabado, March 24.


Stories We Are Tracking

Anne Curtis launches lipstick line for girls too lazy to glam up
Anne Curtis launches lipstick line for girls too lazy to glam up
Vice Ganda's cosmetic brand promises
Vice Ganda's cosmetic brand promises "ganda for all"

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News kay Anne, sinabi nitong sila mismo ni Vice ay nagkagulatan nang malaman ang tungkol sa cosmetic line ng isa't isa.

Pag-alala ni Anne, “Actually nagkagulatan na lang kami na parang, ‘Meron ka ding cosmetic line?' 'Oo.'

“'Kailan ka maglu-launch? Ako itong ano na...' 'Ako din!’”

Hindi naman daw ito isyu sa kanilang dalawa ni Vice.

Sabi pa ni Anne, “Sabi ko, okay lang ‘yan.

"The local industry is actually booming.

“If you look into the make-up kit of one girl, it doesn’t have only one brand.

“It has all different brands. It goes to show that there is room for everyone.”

At kahit daw sa It's Showtime, nagagawa pa nilang i-promote ang produkto ng bawat isa.

Natatawang sabi ni Anne, “Minsan bawal kami mag-promote sa Showtime, pero ang galing ni Vice.

“Madalas nase-segue niya, so sinasabi niya [bumili] pati blk [Cosmetics].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN