Gerald Anderson reveals current state of his love life: "Ayos naman, steady naman."

IMAGE Mark Atienza

Is Gerald Anderson still willing to work again with Pia Wurtzbach? Gerald says, "Oo naman, basta bagay yung sa aming dalawa."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanyang love life.

Ito ay ilang araw matapos maibalita ang pag-unfollow sa kanya ng rumored girlfriend na si Bea Alonzo sa Instagram.

Samu't saring espekulasyon ang nagsulputan sa pag-unfollow ni Bea kay Gerald. 

In-unfollow rin ni Bea si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, ang kapareha ni Gerald sa Star Cinema movie na My Perfect You.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram

Maiksi ang naging pahayag ng 29-anyos na aktor nang kumustahin ang lagay ng kanyang buhay pag-ibig.

“Ayos naman, steady naman," sagot ni Gerald sa panayam ng ABS-CBN News Bureau.

Kasalukuyang nasa Athens, Greece ang aktor para sa sa Global Pinoy Singing Idol ng dzMM.

Usap-usapan ngayong may problema diumano ang relasyon nina Bea at Gerald, at may kinalaman diumano rito si Pia.

Natanong din si Gerald kung bukas siyang makapareha muli ang Miss Universe 2015 sa isang proyekto.

Tugon niya, "Oo naman, basta bagay yung sa aming dalawa.

"Kasi yung characters namin doon, lalo na kay Pia as Abi, sobrang swak sa kanya, e.

"Kumbaga, wala kang maisip na tao kundi siya. Kaya maganda yung istorya," sagot ni Gerald.

Samantala, hindi nagpaunlak ng interview si Pia sa ginanap na block screening ng movie nila ni Gerald sa Gateway Cinema 5 nitong Linggo ng tanghali, March 25.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binulungan ang ilang press na dumalo sa event na walang interview kay Pia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN