John Estrada excited to work on new project after exit from The Good Son

IMAGE Courtesy: @john__estrada on Instagram

Mukhang naka-move on na si John Estrada sa kontrobersiyang kinasangkutan nito diumano sa set ng dati niyang show sa ABS-CBN na The Good Son. May bago na siyang proyektong pinagkakaabalahan at excited daw siya para rito. 


Ilang linggo matapos magsalita ni John Estrada upang pabulaanan ang lumabas na balitang sinaktan at tsinansingan niya diumano ang co-star sa The Good Son na si Mylene Dizon, mukhang may ibang show nang pagkakaabalahan ngayon ang 44-year-old actor.

Pinatay na ang karakter niya sa ABS-CBN prime time series, kaya malaya na siyang magtrabaho muli sa ibang proyekto.

Sa kanyang Instagram account kagabi, March 26, nag-post si John ng larawan kung saan nagbabasa siya ng script.

Sabi niya sa caption: “Hi everyone.... have a blessed and safe holy week.... if you re wondering what im doing.... im reading my week 1 script for my next project .... exciting .... dandandandan......”

Hindi binanggit ni John kung pelikula ba ito o teleserye at kung saang istasyon o movie outfit.

Usap-usapang lilipat diumano si John sa GMA-7 matapos ang pag-exit ng kanyang karakter sa The Good Son bunsod na rin ng banggaan daw nila ni Mylene sa set.

Mariing itinanggi ni John ang akusasyon laban sa kanya.

Si Mylene naman at ang produksiyon ng show ay nananatiling tahimik tungkol sa isyu.


Stories We Are Tracking

John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek

NEW SHOW, NEW NETWORK? Ilang araw matapos patayin ang kanyang karakter sa teleserye ng ABS-CBN, lumutang naman ang balitang sa Kapuso network na muling mapapanood ang aktor.

Ang gagawin daw na proyekto ni John ay ang Mitho, na pagbibidahan ni Alden Richards.

Kasama rin sa cast ang panganay na anak ni John kay Janice de Belen na si Inah de Belen.

Usap-usapan ding si Janine Gutierrez daw ang makaka-love team ni Alden sa nasabing show at hindi ang kalahati ng AlDub love team na si Maine Mendoza.

Humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula sa GMA Corporate Communications tungkol dito, ngunit wala pa silang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN