Gabbi Garcia declares love for her body despite being flat-chested

IMAGE Instagram

Gabbi Garcia: "If your definition of being 'sexy' doesn't fit with my body type, well then sorry, but I LOVE MY BODY."


Nakakuha ng suporta ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia mula sa mga kapwa-artista pagkatapos niyang mag-post tungkol sa body-shaming.

Kahapon, March 26, nag-post si Gabbi sa Instagram ng kanyang larawan na naka-swimsuit.

Sa caption, ibinahagi ng Sherlock Jr. actress ang nararanasang pambu-bully ng ibang tao dahil sa kanyang pagiging flat-chested.

“Whenever I post swimsuit photos, people would always bully me for my body,” simula ng caption ng 19-anyos na aktres.

Pero tanggap daw niya ang kanyang mga kakulangan.

“Well, guess what!! Yes, I have no boobs, I’m flat chested + I have my own fair share of stretch marks. And I don’t see anything wrong with it.

“If your definition of being 'sexy' doesn’t fit with my body type, well then sorry, but I LOVE MY BODY.”

Hindi raw deserve ng kahit sinuman ang ma-bully.

“And nobody deserves to be bullied just because of your body. We are all beautiful in our own way! 

"#NoToBodyShaming#LoveYourBody"

CELEBRITIES SUPPORT. Sa comments section, nag-post naman ng mensahe ng pagsuporta ang ilang kapwa niya artista.

Ang ilan sa mga nagkomento ay sina Iza Calzado, Kylie Padilla, Leila Alcasid, at Rocco Nacino.

Pawang naranasan din ng mga artistang ito ang body-shaming.




Si Iza, na tumimbang dati ng higit sa 200 lbs., ay advocate ng #TheBodyLoveRevolution campaign na naghihikayat sa pagmamahal sa sarili anuman ang pisikal na kaanyuan.

Nakaranas din ng pang-aalipusta si Kylie nang lumaki ang timbang niya matapos manganak.

Nagsalita si Leila noon tungkol sa kanyang insecurities sa pisikal na kaanyuan.

Nakaranas din ng pang-aalipusta si Rocco mula sa netizens nang mag-post siya ng larawan niyang naka-underwear noong 2017.


Stories We Are Tracking

Iza Calzado embraces her body's imperfections
Iza Calzado embraces her body's imperfections
Kylie Padilla in no hurry to get rid of stretch marks
Kylie Padilla in no hurry to get rid of stretch marks

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN