Sarah Geronimo teases Matteo Guidicelli at his birthday party: "Talaga?! Totoo ba?!"

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli turn the latter's birthday party into a kilig fest.


“Talaga?! Totoo ba?!”

Ito ang pabirong tanong ni Sarah Geronimo sa boyfriend na si Matteo Guidicelli nang mag-duet sila sa 28th birthday party ng actor-singer sa Da Gianni Cucina Italiana sa Alabang kagabi, March 26.

Kilig at tuwa ang hatid ng magkasintahan sa kanilang mga duet.

Isa sa kanilang mga kinanta ang hit song ni Sarah na “Kilometro.”

Sa isang bahagi nito, solong kinanta ni Matteo ang lyrics nito na “Gagawin ko ang lahat upang [sa huli ay tayo].”

Napagkatuwaan naman ni Sarah ang boyfriend at paulit-ulit na tinanong si Matteo, “Totoo ba?! Totoo ba?! Weh!”

Makikita na natatawang umiiwas lang ang Bagani actor sa kanyang 29-year-old girlfriend.

Ang eksenang ito sa birthday party ni Matteo ay tila patunay na hindi sila nagpapaapekto sa anumang intriga sa kanilang relasyon.

Kamakailan lang ay may sinagot si Matteo sa Twitter dahil sa malisyosong pagtingin sa Instagram video niyang nagwu-work out kasama ang isang babae.

Sabi ng isang netizen tungkol dito, “Pa simpleng Flirting 101 by master @mateoguidicelli.”

Sagot naman ni Matteo, “That's working out, you idiot.”

Samantala, narito ang ilang pang kilig moments nina Sarah at Matteo mula sa party:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN