John Estrada is now a Kapuso, confirms GMA-7 executive

IMAGE Courtesy: @john__estrada on Instagram

Magiging bahagi ng upcoming teleserye ng GMA-7 si John Estrada matapos patayin ang karakter nito sa The Good Son ng ABS-CBN. 


Kapuso na ang aktor na si John Estrada.

Ito ang kinumpirma ni Angel Javier-Cruz, GMA Vice President for Corporate Communications, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes ng tanghali, March 27.

Ayon sa GMA-7 executive, program contract lang muna ang pinirmahan ng aktor.

Hindi rin siya nagbigay ng detalye tungkol kung anong programa lalabas ang dating Kapamilya star.

Lumutang ang balitang magiging Kapuso na si John nitong unang linggo ng Marso, matapos patayin ang kanyang karakter sa The Good Son ng ABS-CBN.

Ito ay bunsod sa naging alitan daw nila ng co-star niyang si Mylene Dizon sa set ng teleserye, kung saan inakusahan ang 44-year-old actor ng pananantsing at pananakit diumano sa female co-star.

Ngunit mariin itong itinanggi ni John.


Stories We Are Tracking

John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon

Kagabi, March 26, masayang nagbahagi ng larawan sa Instagram si John, kung saan binabasa niya ang script ng kanyang bagong proyekto.

Kasunod ito ng paglutang ng balitang makakasama raw si John sa upcoming teleserye na pagbibidahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards, ang Mitho.

Bukod kay Alden, makakasama rin daw ni John ang panganay na anak nila ni Janice de Belen na si Inah de Belen at si Janine Gutierrez.


Stories We Are Tracking

John Estrada gives update on new show after <em>The Good Son</em>
John Estrada gives update on new show after The Good Son


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN