Pia Wurtzbach playfully responds to Marlon Stockinger's invitation on Instagram

IMAGE Instagram (@marlonstockinger)

In Marlon Stockinger's recent Instagram post, he asked who wants to have breakfast with him. His girlfriend Pia Wurtzbach playfully responded with "Meee."


Nananatiling tahimik ang mga kampo nina Bea Alonzo at Pia Wurtzbach hinggil sa isyung pag-unfollow ni Bea sa Instagram account ng rumored boyfriend niyang si Gerald Anderson at ni Pia.

Si Pia ang leading lady ni Gerald sa pelikulang My Perfect You, na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

Bunsod nito, nagsulputan ang iba't ibang espekulasyon, katulad ng diumano’y pagkakalabuan nina Bea at Gerald at may kinalaman umano rito si Pia.

Nagbigay na ng maiksing pahayag si Gerald sa isyu at sinabing steady naman ang kanyang buhay pag-ibig.


Stories We Are Tracking

Gerald Anderson reveals current state of his love life
Gerald Anderson reveals current state of his love life
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram

Sa sitwasyong ito, nananatili ring tahimik ang boyfriend ni Pia—ang F1 racer na si Marlon Stockinger.

Pero naka-follow pa rin sa isa't isa sina Pia at Marlon sa Instagram.

From Pia's Instagram account: 



From Marlon's Instagram account: 


PIA COMMENTS. Kaugnay nito, sa isang recent Instagram post ni Marlon tungkol sa kanyang bagong endorsement ay nag-comment dito ang Miss Universe 2015.

Sabi ni Marlon sa kanyang post: “Who wants to have breakfast with me?”

Sagot ni Pia sa comment section: “Meee.”


Sumakay rin sa biruan ng magkasintahan ang nakababatang kapatid ni Pia na si Sarah Wurtzbach.

Biro ni Sarah kay Marlon, “We gotta talk about these endorsements you’re not telling me about.”


Wala namang sagot si Marlon sa magkapatid sa comments section.

Gayunpaman, maging ang ilang netizens ay nagko-comment sa social media posts ni Marlon tungkol sa isyu ng kanyang girlfriend at ni Gerald.

May ilang netizens na binabato ng akusasyon si Pia, pero meron ding mga nagtatanggol sa kanya.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN