Wendell Ramos returns to Kapuso network after seven years

IMAGE Noel Orsal

Wendell Ramos is coming back to the Kapuso network. The actor said he hasn't burned bridges even after transferring to ABS-CBN in 2015. He told PEP.ph, "Lahat kaibigan natin. Yung mga offers, grab lang tayo."


Magbabalik na sa Kapuso network ang aktor na si Wendell Ramos.

Ito ay pagkatapos ng pitong taong pagkawala sa naging home network niya sa loob ng 11 taon.

Nang umalis siya sa GMA-7 noong 2011 ay gumawa ng mga proyekto si Wendell sa mga bakuran ng TV5 at ABS-CBN.

Huli siyang napanood teleseryeng Widlflower ng ABS-CBN, kung saan ginampanan niya ang role bilang Raul Torillo.

Ngayong darating na Abril ay magsisimula na si Wendell para sa upcoming prime time series ng GMA-7.

Makakasama niya rito ang mga beteranong artista na sina Nora Aunor, Gardo Versoza, Luis Alandy, Mikee Quintos, Vaness del Moral, Kate Valdez, at Enrico Cuenca.

Ididirek ito ni Gina Alajar.

Ilang araw bago inanunsiyo ng GMA Network ang magiging cast ng bagong teleseryeng ito, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell sa launch ng GSM Ginebra Ako jersey collection, na ginanap sa PBA Cafe, Metrowalk Ortigas, Pasig City, noong March 21.

Dito ay sinabi ng 39-year-old actor na nakikipag-usap nga siya sa mga taga-Kapuso network.

“Right now, may upcoming deal with GMA. Parang work din again dito.

"Alam mo naman na lahat kaibigan natin. Yung mga offers, grab lang tayo."

Ang huling naging proyekto ni Wendell sa GMA-7 bago siya umalis ay ang teleseryeng Jillian: Namamasko Po at ang gag show na Bubble Gang.

Ayon pa kay Wendell, thankful siya sa magagandang proyekto na naibigay sa kanya pareho ng ABS-CBN at ng GMA-7.

"Lahat naman, even yung GMA din naman before.

“Alam mo, lahat naman ‘yan, as long as we’re doing our job na maayos, nagiging maganda ang feedback ng tao.

“I’m thankful, and thank you sa ABS na naging parte ako ng Wildflower.”

Kahit ilang buwan na ang lumipas mula nang mawala sa ere ang Wildflower, tuloy pa rin daw ang komunikasyon ng buong cast ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Wendell, “Yeah, oo kasi one year kaming magkakasama.

“Saka good friend ko naman sila even before.

“Sila RK [Bagatsing],  sila Joseph Marco, sila Vin [Abrenica], sila Aiko [Melendez], sila Kuya Pip [Tirso Cruz III], si Maja [Salvador].

“Magkakaibigan naman kasi kami.”

FOR KEEPS. Noong December 10, 2017 ay pinakasalan ni Wendell ang kanyang longtime partner na si Kukai Guevarra.

Nagsama sa loob ng limang taon at may dalawang anak sina Wendell at Kukai. 

Ang pamilya raw nila, higit sa kanyang sarili, ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang gawing legal na ang lahat.

Saad ng aktor, “Not for me na rin, for my kids na rin.

“I’m happy with my new journey in life.

"I have to establish na being a good father, a god husband as much as possible.

“Even before naman, I’m with my wife na rin.

"Ngayon lang, mas legal, mas maayos ang lahat.

“Lahat ng ginagawa ko is not for myself, it’s for my family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN