Jerome Ponce says time is not a problem between him and GF Mika Reyes

IMAGE Noel Orsal

Jerome Ponce is thankful that girlfriend Mika Reyes is understanding of his busy schedule. He told PEP.ph, "Naiintindihan niya talaga ang work ko, sobrang maintindihin siya."


Parehong hectic ang schedules ng aktor na si Jerome Ponce at ng kanyang girlfriend na si Mika Reyes, dating player ng De La Salle University Lady Spikers at ngayon ay naglalaro para sa Petron Blaze Spikers. 

Ngunit sa kabila nito, hindi naging problema sa kanila ang oras, na kadalasang nagiging suliranin kapag parehong abala ang magkasintahan at nasa magkaibang larangan.

Ayon kay Jerome, “Tulad naman ng sinabi ko, pag gusto mo, gagawan at gagawan mo ng paraan, hahanap at hahanapan mo ng oras.

“Wala tayong magagawa, mas masarap talaga minsan na makasama mo ang taong gusto mo kaysa matulog.

“Ganun talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor sa set visit ng ABS-CBN prime time series na The Good Soon, sa Tivoli Royale Clubhouse, Quezon City, noong March 19.

Kumusta ang relasyon nila ni Mika?


Ayon kay Jerome, “Okay naman kami, very matured enough na nagkakaintidihan kami kahit na may propblema na dapat problemahin.

“Simple lang, in just a snap alam na namin, 'Sorry, ganito.' May trabaho ako, may trabaho siya.”

Dagdag pa ng aktor, “Mas na-appreciate lalo namin ang isa’t isa.

“Sobrang naa-appreciate namin.

"In a way, sa kanya, alam ko na ang mga ginagawa niya, inside the game, lahat... training.

“Siya naman, naiintindihan niya ako, sobrang kuwento ako sa kanya pag nae-excite ako sa script, sa sequence.

“Nalulungkot ako pag di ko nagagawa nang matino, siya naiintindihan niya lahat yun.

“Nood ng games niya, movie.”

Ayon pa kay Jerome, “Naiintindihan niya talaga ang work ko, sobrang maintindihin siya.

“Siguro tingin ng mga tao, strong personality siya, but she’s more than a strong personality na she understands talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN