Luis Alandy now goes by his real name Adrian Alandy; fulfills dream of working with Mike de Leon

IMAGE Rose Garcia

Adrian Alandy is overwhelmed with emotions after viewing the film Citizen Jake for the first time. He told PEP.ph, "Yung success ng film, as of now, for the first three screenings. At saka yun nga, to be able to work with Direk Mike, sobrang ito na yung statement ng career ko na masasabi kong, in a way, I made it."


Nais ng aktor na si Luis Alandy na gamitin na ang tunay niyang pangalan na Adrian bilang screen name.

Ayon sa kanya, ang desisyon ay nagmula sa kanilang dalawa ng kanyang manager na si Noel Ferrer.

Pahayag ni Adrian, “It’s a new beginning for me.

“And parang after doing Citizen Jake, doon namin sinabi ni Noel na, 'Why not use my real name to make it more real, more personal career.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Adrian sa special screening ng Citizen Jake ni Direk Mike de Leon sa U.P. Film Center noong March 23.

Pagkatapos ng screening ay lumapit si Adrian kay Direk Mike, mahigpit na yumakap, at naluha sa pagiging emosyunal.


Tinanong ng PEP.ph ang aktor kung bakit siya nadala ng kanyang emosyon pagkatapos mapanood ang ginawang pelikula.

Tugon ni Adrian, “Ito kasi yung parang statement movie ko for my career.

“That I’ll be able to work with Direk Mike. Sobrang fulfilling talaga sa akin.

"Talagang na-overwhelm ako with emotion dahil first time ko lang din napanood [yung movie]."

Ayon pa kay Adrian, “Ang hirap i-contain ng emotion.

“Kaya nung kinausap ko si Direk kanina, medyo... yung pinagdaanan ko kasi in the past... well, alam ni Sir Noel.

“Noong matanggap ako sa audition at sinabi yung gagawin ko, umiyak talaga ako.

“Para sa akin, malaking bagay para sa akin to prove myself.”

WORKING WITH DIREK MIKE. Sa pelikula, ginagampanan ni Luis ang karakter ng caretaker na si Jonie at kababata ni Atom Araullo bilang si Jake.

Halo-halo na raw talaga ang pinanggagalingan kung bakit naiyak siya at naging emosyonal pagkatapos mapanood ang, makalapit kay Direk Mike at mayakap ito.

Paliwanag ni Adrian, “Yung success ng film, as of now, for the first three screenings.

“At saka, yun nga, to be able to work with Direk Mike, sobrang ito na yung statement ng career ko na masasabi kong, in a way, I made it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Adrian, iba talagang karanasan bilang isang aktor na maidirek ng isang premyadong direktor na tulad ni Direk Mike.

“Ano siya e, he’s really a good teacher.

“Ang galing ng mind niya in-terms of what he wants in our character.

“Hindi siya naging madamot sa amin.

“Talagang sinigurado niyang magiging maganda yung performance namin,” saad ni Adrian.

Ano ang sinabi sa kanya ni Direk Mike matapos nilang magyapos? 

“Sabi niya, magkikita raw kami ulit, hopefully,” nakangiti niyang sabi.

Sabi pa ni Adrian, “I’m hoping and wishing na sana, one movie pa with him.”

Si Mike de Leon ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay na direktor sa bansa at bihira lang gumawa ng pelikula.

Ilan sa mga obra niya ay Itim (1977), Kung Mangarap Ka't Magising (1977), Kakabakaba Ka Ba? (1980), Kisapmata (1981), Batch '81 (1982), Sister Stella L (1984), Hindi Nahahati Ang Langit (1985), at Bayaning Third World (1999).

Ang Citizen Jake ang unang pelikula ni Mike pagkatapos ng halos 20 taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN