Bert Nievera, father of Martin Nievera, dies at 81

IMAGE Instagram @martinnievera

Singer Robert Nievera—who's the father of Martin Nievera—passed away at 81.


Pumanaw na ang veteran singer na si Roberto Jose “Bert” dela Cruz Nievera na naninirahan sa Las Vegas, U.S.A.  

Si Bert, na ipinanganak noong October 17, 1936, ay ama ng Concert King na si Martin Nievera.

Kinumpirma ni Martin ang pagpanaw ng ama sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong Martes, March 27.

Kalakip nito ang larawan ng mag-ama at caption na nagsasabing: “#RobertinParadise I can’t believe you’re gone. Life will never be the same again.”

Ang ex-wife ni Martin na si Pops Fernandez ay nagbahagi rin ng mensahe sa pagpanaw ng itinuturing niyang "second dad."

Ani Pops, "To daddy bert nievera.. my second dad... may you rest in peace... so saddened to hear this news... thank you for all the beautiful memories... ????????????????condolences to the nievera family... @martinnievera @vixnievera @zdzieba"

Liban dito ay wala pang eksaktong detalye kung kailan at ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Bert.

Base sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 6, 2017, nabanggit ni Martin na dumanas ng “brain seizure” ang kanyang ama at isang linggong nawalan ng memorya.

Bagamat nanghina at namayat ang dating singer, nanumbalik din daw ang alaala nito.


Stories We Are Tracking

Martin Nievera gives update on dad's health condition
Martin Nievera gives update on dad's health condition

Si Bert ay unang nakilala nang maging kampeon siya sa "Search For Johnny Mathis of The Philippines" ng noontime show na Student Canteen.

Naging lead singer din siya ng 1960s pop group na Society of Seven, aka The Fabulous Echoes, na nagpe-perform noon sa U.S.

Ilan sa kanyang record albums na ini-release sa Pilipinas ay ang Nievera noong 1976, Sumasainyo, Nievera noong 1978, at Remembers noong 1985.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN