Sandy Andolong on John Lloyd Cruz's break from showbiz: "I was not surprised."

IMAGE Instagram / Bernie Franco

Sandy Andolong on co-star John Lloyd Cruz's decision to focus on his personal life: "I think it's good for him na magkakaroon siya ng responsibility, good relationship now."


Ayon sa aktres na si Sandy Andolong, naramdaman niya ang pagnanais ni John Lloyd Cruz na magkaroon ng break sa showbiz base sa kanilang mga pag-uusap sa set ng weekend sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

“Parang yes. Because we talk a lot to each other.

"He opens up, we talk about life, mga ganun...

“Oo, so I was not really surprised,” pahayag ni Sandy tungkol sa desisyon ni John Lloyd na magkaroon ng indefinite leave mula sa showbiz simula noong October 2017.

Ang Home Sweetie Home ay pinangungunahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga bilang mag-asawa, samantalang ginagampanan ni Sandy ang role bilang mother-in-law ni John Lloyd.

Inanunsiyo ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave ilang linggo matapos lumabas ang controversial video kung saan tila lasing siya.

Kuha iyon sa bakasyon nila ng sexy star na si Ellen Adarna, na kasama rin sa cast ng sitcom..

Ang huling taping ni John Lloyd sa Home Sweetie Home ay September 2017.

Hindi raw alam ng kanyang co-stars na yun na pala ang huling taping ng aktor bago mag-indefinite leave.

NO MORE COMMUNICATION. Mula raw noon ay hindi pa nakakausap ni Sandy ang 34-anyos na aktor.

Pero dagdag ng seasoned actress, “Though we miss him, we miss him.

“Kasi si John Lloyd naman is nice naman, he is easy to get along with, e.”

Hindi pa nila nakakausap ang aktor sa kanilang group chat?

“Di na, e,” sambit ni Sandy.

Gayunpaman, masaya raw siya para sa dramatic actor, na ngayon ay malapit nang maging ama sa anak nila ni Ellen.

“Oo naman. As a friend, as a 'mother,' I think it's good for him na magkakaroon siya ng responsibility, good relationship now.

“And maraming changes na mangyayari [sa buhay niya], good changes,” saad ni Sandy.

Babalik pa ba sa show si John Lloyd?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don't know,” pakli ng aktres.

Nakausap ng PEP.ph at ilang bloggers si Sandy sa contract signing ng anak niyang si Mariel de Leon sa Regal Entertainment, Inc., nitong Martes, March 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN