Jerome Ponce opens up about close relationship with The Good Son co-star John Estrada

IMAGE Noel Orsal / File

Jerome Ponce on former The Good Son co-star John Estrada: "Beteranong aktor, parang siya pa yung nag-suggest, siya pa yung open. Di ba, pag beterano ka, alam nila ang tama, sila ang magsasabi, 'Ganito ang gawin mo, mali 'yan.' Open siya, [kaya] wala akong pagdadalawang-isip, 'Sige po, gagawin ko.'"


Hindi raw nakapagpaalam sa isa't isa sina Jerome Ponce at John Estrada bago nawala sa ABS-CBN prime time series na The Good Son si John.

Gumaganap na mag-ang dalawa sa teleserye.

Kuwento ni Jerome, “Nagpaalam? Hindi.

"Pero nag-chat ako sa kanya, 'Kuya, mayroon ka na palang bagong gagawin, miss na kita. Di ka man lang marunong magpaalam.'

“Sabi niya, 'I really appreciate your text. I really miss you too,' ganyan. 'See you soon.' Sabi ko, 'See you soon.'” 

Kumpirmado nang lilipat si John sa bakuran ng GMA-7 para gumawa ng isang malaking teleserye.


Stories We Are Tracking

John Estrada gives update on new show after <em>The Good Son</em>
John Estrada gives update on new show after The Good Son
John Estrada is now a Kapuso, confirms GMA-7 executive
John Estrada is now a Kapuso, confirms GMA-7 executive

Bago nabalita ang pagkawala ni John sa The Good Son, may lumabas na interview ang aktor sa YouTube, kung saan binanggit nitong sa mga kabataang kasama niya sa teleserye, nagagalingan siya kay Jerome.

Reaksiyon dito ni Jerome, “Ay, oo, sa YouTube, napanood ko yun.

“Nag-thank you ako nang personal kay Kuya John, pero wala akong pinili, nabanggit niya ako.

“Nung kasi nag-MMK [Maalaala Mo Kaya] kami, ako yung batang John Estrada.

“Nakita ko agad siya naka-shades, lumabas sa kotse, hala, nakaka-intimidate. 

“Hindi ko pa nakakasama sila Ms. Eula [Valdes], umupo agad siya, kumain.

"Sabi ko 'The boss,' I mean, parang saludo. 'Tapos, parang di kami nagkapansinan, bati lang ako, 'Ba-bye po.'"

Nagsimula raw silang maging malapit ni John nang tumaas ang ratings ng The Good Son. 

Kuwento ni Jerome, “Nung nagkita kami uli, 'Kumusta, tumaas ratings natin, ah,' nagkausap kami.

“Siya yung unang nakaeksena ko...

"Napansin ninyo sa party, siya yung unang kaeksena ko.

"Siya, masaya lang; ako, galit ako sa dad ko.

“Siya yun, 'Alam mo, Rome [palayaw ni Jerome], payo lang, ha...' ganun siya.”

Hinangaan daw ni Jerome ang pagiging humble ni John.

“Sabi ko, beteranong aktor, parang siya pa yung nag-suggest, siya pa yung open.

“Di ba, pag beterano ka, alam nila ang tama, sila ang magsasabi, 'Ganito ang gawin mo, mali ‘yan.' 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Open siya, [kaya] wala akong pagdadalawang-isip, 'Sige po, gagawin ko.'"

Nagkaroon din daw ng mga pagkakataong lumalabas sila sa set upang kumain.

Ayon kay Jerome, “Saka inaaya niya ako lagi out of everyone sa cast, ako yung inaaya niyang kumain.

“Kakain lang, lunch lang, kunwari may malapit na resto.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jerome sa set visit ng The Good Soon, sa Tivoli Royale Clubhouse, Quezon City, noong March 19.

NEW MOVIE PROJECT. Bagamat abala siya sa The Good Son, kasama rin si Jerome sa cast ng pelikulang Walwal ng Regal Entertainment.

Labis ang pasasalamat ng Kapamilya actor na hindi siya nawawalan ng mga proyektong ginagawa.

Aniya, “Masaya, masaya naman, pero siyempre pagod.

“Nami-miss ko yung panahon na nakakatulog ako.

"Pero mas maganda nga yung nakakatulog ka nang pagod kaysa gising ka nang pagod."

“To be honest, hindi ko naman siya hinintay, it’s just bigay ito, e.

“Bakit mo tatanggihan ang mga bigay sa iyo na nandiyan na sa harap mo?"

Pag-amin pa ni Jerome, “Siguro ako, tumatanggi ako dati. Hindi ko sineryoso.

"Hindi ko tiningnan ang sarili ko para dito, hindi ako para dito, ganun.

“Heto, dumating na, parang ganun na nga, hinintay ko yung blessing, tinanggap ko.

“Dati kasi, ang nasa isip ko lang, magpa-cute, basa lang ng scripts, tapon.

“Eskuwelahan din ito, binigyan ka ng libro, aralin mo.

“Pag inaral mo, ipakita mo sa kanila kung ano ang natutuhan mo.”

ON VALUING FAMILY. Bukod sa malaki ang itinulong ng The Good Son para mag-improve ang kanyang acting skills, marami rin daw natutunan si Jerome pagdating sa kahalagahan ng pamilya.

Kuwento niya, “Nag-mature dito ako nang sobra-sobra.

“[Mga] direktor namin, hindi naman ‘yan bago. 

“Batikan, talagang sa kanila ako natuto sa show na ito.

“Sequence by sequence, di mo babasahin yung before and after na script. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basahin mo buong script, yun ang tama.

“Huwag ang before and after.

“Even yung characters kasi, ikaw mismo bilang tao, isipin mo rin yung pinagdadaanan ng bawat tao, kaya isipin mo yung bawat karakter.”

Dagdag pa ni Jerome, “Nakatulong talaga siya nang malaki.

“Ngayong naggu-Good Son ako, mas naa-appreciate ko ang lola ko, ang mama ko, ang mga kapatid ko.

“Sobra, as in sobra-sobra, di ko inexpect.

“Dati sarili ko lang, masarap ang buhay ko. Ako lang mag-isa,  kakain ako mag-isa.

“Pero ngayon iniisip ko, ano ang kinakain nila? Kaialngang magkita-kita kami kasi free ako.”

Pagtatapos ni Jerome, “Aminado ako dati, hindi ako good son, nagkulang ako bilang anak.

“Ngayon, sobrang laki ng ipinagbago ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN