Pia Wurtzbach, Marlon Stockinger remain sweet amid issue with Gerald Anderson, Bea Alonzo

IMAGE Instagram

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach attends special screening of her latest movie with boyfriend Marlon Stockinger.


Magkasama si Pia Wurtzbach at ang boyfriend niyang si Marlong Stockinger sa special screening ng pelikulang My Perfect You, ang pelikula ng former Miss Universe katambal si Gerald Anderson, kahapon, March 27.

Ito ay malinaw na indikasyon na nananatiling matibay ang relasyon ng dalawa, sa kabila ng pagkakadawit ng pangalan ni Pia sa isyung may pinagdadaanan umano ang relasyon ni Gerald at ng rumored girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Nagsimula ang isyung ito nang i-unfollow ni Bea si Gerald sa Instagram noong nakaraang linggo, dahilan upang mabahala ang kanilang fans at isiping may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

In-unfollow rin ni Bea si Pia, kaya inisip ng ibang netizens na may kinalaman ang Miss Universe 2015 sa isyu.

Base sa Instagram posts ng mga katrabaho ni Pia, ang special screening ng My Perfect You ay sponsored ng real estate company na ini-endorse ng beauty queen.

Bukod sa mga larawang ito, may video rin kung saan makikitang very sweet at magka-holding hands pa sina Pia at Marlon habang naglalakad sa labas ng sinehan.

Dahil sa mga eksenang ganito, hindi tuloy maiwasan ng ibang baka gimik lamang ang pag-a-unfollow ni Bea kina Gerald at Pia sa social media upang makadagdag sa interes ng pelikula ng dalawa na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Gerald Anderson reveals current state of his love life
Gerald Anderson reveals current state of his love life
Pia playfully responds to Marlon's invitation on Instagram
Pia playfully responds to Marlon's invitation on Instagram
Bea's hair stylist alludes to 'malalandi at babaero' on IG
Bea's hair stylist alludes to 'malalandi at babaero' on IG


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN