Andre Paras "very proud kuya" to see his brother Kobe gunning for NBA

IMAGE Arniel Serato

Andre Paras on brother Kobe's decision to go pro: "Whatever happens, I'm just here to support and be there for him."


Proud kuya si Andre Paras sa naging desisyon ng nakababatang kapatid na si Kobe Paras na mag-level up sa kanyang basketball career sa Amerika.

Inanunsiyo ni Kobe sa kanyang Twitter account noong March 10 na itutuloy na niya ang kanyang pangarap maging professional basketball player sa National Basketball Association (NBA).

Sabi ni Andre, “Yeah, he was just trying different options now.

"And you know, whatever happens, I’m  just here to support and be there for him.”

Ibig bang sabihin nito ay mamamalagi nang matagal si Kobe sa Amerika?

Tugon ng Kapuso actor, “We’ll see.

"I mean, he’s still trying out other options, so it depends on what he chooses.

"So, as of now, I think he’s on the stage of deciding and choosing.”

Dapat ay maglalaro ngayong season sa CSUN Matadors si Kobe sa US NCAA Division 1, ngunit naudlot ito nang matanggal ang coach ng team na si Reggie Theus.

Dito na biglang nagbago ang isip ni Kobe at nag-decide na sa NBA na niya gustong maglaro.

Ayon kay Andre, palagi naman silang nag-uusap ng kapatid tungkol sa mga ginagawa nito sa States.

Sabi pa niya, “Talking about anything. Just normal lang about life, normal brother conversations, yun lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andre sa meet and greet ng cast ng Sherlock Jr. noong Araw ng Dabaw celebration sa Davao City.

Nagtungo ang cast ng show—kabilang na sina Andre, Ruru Madrid, Kate Valdez, at Gabbi Garcia—sa Davao City upang magpasalamat sa kanilang fans na nagbigay ng magandang ratings sa show.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN