Gerald Anderson hopes to bring Bea Alonzo to GenSan

IMAGE Nerisa Almo

Gerald Anderson reveals that Bea Alonzo has seen his movie with Pia Wurtzbach. "Nanood siya last week. Nag-text siya, sobrang nagustuhan niya, raving," he says.


Tila hindi apektado sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa kasalukuyang isyu tungkol sa kanilang relasyon.

Noong nakaraang linggo ay naging usap-usapan ang diumano'y pag-unfollow sa kanya sa Instagram ni Bea.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea's hair stylist alludes to 'malalandi at babaero' on IG
Bea's hair stylist alludes to 'malalandi at babaero' on IG

Nakadagdag pa sa iba't ibang espekulasyon ang diumano'y pag-unfollow rin ni Bea sa leading lady ni Gerald sa My Perfect You—si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Base sa panayam ni Boy Abunda kay Gerald sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes, March 27, tila wala namang problema sa relasyon nila ni Bea.

Sa katunayan, sabi ni Gerald, nag-text pa sa kanya si Bea para purihin sa bago niyang pelikula.

“Nanood siya last week. Nag-text siya, sobrang nagustuhan niya, raving,” sabi ng Kapamilya actor.

Hindi napag-usapan ang tungkol sa intriga sa kanila ni Bea.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Samantala, noong nakaraang linggo, umuwi sa Gerald sa kanyang hometown sa General Santos City.

Kaugnay nito, natanong ni Boy kung nadala na niya si Bea sa GenSan.

“Hindi pa. Natatakot ako sa nanay niya kasi medyo hot spot sa GenSan,” sagot ni Gerald.

Gayunman, gusto rin daw niyang ipasyal si Bea sa GenSan kung may pagkakataon.

Aniya, “Gusto ko, gusto ko ma-expose siya sa ganun.

“Gusto kong makita niya yung probinsiya life, makita niya kung gaano kami kasimple, kung saan kami nanggaling.

“Kasi, lagi kong kinukuwento, so kapag nakita naman niya... Iba naman yung nakita mo.”


Stories We Are Tracking

Gerald Anderson reveals current state of his love life
Gerald Anderson reveals current state of his love life
Pia, Marlon still sweet amid issue with Gerald, Bea
Pia, Marlon still sweet amid issue with Gerald, Bea


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN