Paolo Duterte sends birthday greeting to dad President Duterte with an apology

IMAGE Courtesy: Vice Mayor Pulong Duterte Official on Facebook

Former Davao City Vice Mayor Paolo Duterte to President Rodrigo Duterte on his dad's 73rd birthday: "Daghang salamat sa tanan tabang nimo nako ug sa akong pamilya. Daghang Salamat sa taas taas pang pasensya.. IKAW NA! (Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa aking pamilya. Maraming salamat sa mahaba mong pasensiya.) HAPPY BIRTHDAY PA! I love you!!!"


Ngayong araw, March 28, ay ipinagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika-73 kaarawan.

Sa kanyang tahanan sa Davao City magsi-celebrate ang Pangulo at wala raw nakaplanong magarbong birthday party.

Dumagsa sa social media ang maraming birthday greetings ng netizens at supporters ng Pangulo.

Ngunit, ang nakapukaw ng atensiyon sa netizens ay ang pagbati ni dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Tila humihingi ito ng dispensa sa lahat ng mga nagawa niyang pagkakamali sa ama.

Tinawag pa niya ang sarili na “pinaka-but an nga anak ng pangulo” o ang pinakamabait na anak nito.

Saad ni Pulong sa kanyang pagbati, na ibinahagi niya sa Facebook kagabi, March 27, “Pa sa tanan kalagot ug kalipay sa atong duha, ako magpabiling anak nimo. Sa tanan yawyaw nimo nako, Pa naminaw ko, gidawat nako ug nakasabot ko.

(Pa, sa lahat ng inis at saya sa pagitan nating dalawa, ako ay mananatiling anak mo. Sa lahat ng sermon mo sa akin, Pa, nakikinig ako, tinanggap ko at naintindihan ko.)

"Dili dali mahimong amahan sa pinakabut-an nimong anak! Pasaylua ko sa mga panahon na nadungagan nako imong UBAN(white hair).

(Hindi madaling maging isang ama sa pinakamabait mong anak! Pagpasensiyahan mo na ako sa mga pagkakataong nadadagdagan ko ang mapuputi mong buhok.)

"Unta maabot pa ang panahon na ikapanghambog ko nimo.

(Sana, dumating pa ang panahon na maipagmamalaki mo ako.)

"I know that I would never attain what you have achieved in your lifetime, but I can assure you that I will do my best to make you proud.

"Maningkamot ko ug akong mga igsuon nga di ka mapahiya sa amua.

(Pagsisikapan ko at ng aking mga kapatid na hindi ka mapapahiya sa amin)

"Daghang salamat sa tanan tabang nimo nako ug sa akong pamilya. Daghang Salamat sa taas taas pang pasensya.. IKAW NA!

(Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa aking pamilya. Maraming salamat sa mahaba mong pasensiya.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HAPPY BIRTHDAY PA! I love you!!!"

Si Pulong ay panganay na anak ni Presidente Duterte sa una niyang asawa.

 

“GOOD HEALTH.” Samantala, isang simpleng mensahe naman ang ibinahagi sa Facebook ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa ama ngayong araw, March 28.

Sabi ng alkalde, “Happy Birthday Digong 1. good health paaarrteeey!”

Wala pang post sa Instagram o Facebook ang isa pang anak ni Duterte na si Sebastian ‘Baste’ Duterte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN