Jasmine Curtis-Smith very happy with boyfriend Jeff Ortega

IMAGE Instagram @jeffortega

Jasmine Curtis-Smith says she and non-showbiz boyfriend Jeff Ortega have no plan to settle down anytime soon.


Wala na raw mahihiling pa si Jasmine Curtis-Smith sa boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Itinuturing din niya itong “best friend” na nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa mga panahong may pinagdadaanan ang dalaga.                                           

Nakangiting saad ni Jasmine, “We’re good. We’re very happy.

"We’ve been together for two years now.

"So, happy kami, mature, tahimik lang ang love life ko ngayon."

Gayunman, malayo pa raw sa isip nila ang pagpapakasal.

“Hindi pa. Matagal-tagal pa ‘yan.

"I’m at a point right now where I want to make my goal, mag-ipon lang, mag-work lang.

“Learn to love myself, love my work, and make my bank account love me more.

"Work lang muna!"

Ang mahalaga ay suportado raw nila ang trabaho ng isa’t isa.

“Tsaka na yun, when the time is right for the both of us.

“Because we’re both beginning very different chapters in our lives.

"And siya naman, busy with his businesses.

“Me, I’m still trying to figure out what I wanna do with myself for the next few years.

“Feeling ko, if we dive into that, mao-overwhelm kami pareho.”

Nabanggit din ni Jasmine na mayroon silang negosyo ni Jeff na pinaghahandaan.

Pero hangga’t hindi pa raw ito opisyal na nailulunsad ay hindi pa siya makapagbigay ng detalye tungkol dito.

Ngayong Holy Week, kasama ni Jasmine si Jeff na nagbakasyon sa hometown ng dalaga sa Australia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN