Nathalie Hart admits she almost quit showbiz after her first sexy film

IMAGE Arniel Serato

Nathalie Hart is over the low point in her acting career and now that offers that once eluded are coming in, she is optimistic.


Aminado si Nathalie Hart na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan upang mas mapansin sa showbiz at mabigyan pa ng mga proyekto.

Nagbilad siya ng kanyang katawan sa indie film na Siphayo, kung saan unang napag-usapan si Nathalie dahil sa sobrang daring ng kanyang mga eksena.

Sinundan pa ito ng pagpalit niya ng kanyang screen name mula Princess Snell.

Lahad ni Nathalie, “Hard work talaga, patience talaga, kasi ang tagal ko naghintay.

"Nung lumabas yung first film ko na sobrang sexy, siguro isang taon ako naghintay."

Nainip na raw siyang maghintay ng kasunod na proyekto matapos ipalabas ang Siphayo noong 2016.

Dahil walang offer sa kanya sa telebisyon at pelikula, "umiyak ako, siyempre.”

Kuwento pa niya, “Oo, actually naghanap na nga ako ng trabaho sa ibang bansa, sa Australia, sa hometown namin.

“Dapat dun na ako magtatrabaho, 'tapos nagulat na lang ako, hindi ko akalain na ganito yung mangyayari sa career ko.”

Bago pumasok ang 2018, nakatapos ng isa pang pelikula si Nathalie, ang Sin Island, at sunud-sunod na ang offers sa kanya.

Isa na rito ang pagpasok niya bilang kontrabida sa susunod na mga episode ng ABS-CBN afternoon drama series na The Blood Sisters.

Saad niya, “Na-shock na lang ako, siguro nagugulat sila sa akin kapag in-interview ako.

"Napaka-vocal ko magsagot. I am a normal person, wala akong pakialam.

"Siguro nakikita na artista na they have to portray a certain character.

"Sa akin, my character is myself, kaya siguro bet ako ng mga kabaklaan."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nathalie sa storycon ng bagong pelikula ng Viva Entertainment na Abay Babes noong nakaraang linggo.

SUPPORTIVE SISTER. Gusto ring subukan ng nakababatang kapatid ni Nathalie na si Kenneth Snell ang showbiz.

Kaya naman sumali ito sa Ginoong Laguna 2018 na ginanap noong March 16, at nagtapos bilang fourth runner-up.

Suportado naman daw ni Nathalie ang kagusthan ng kapatid na pumasok sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Yeah, gusto naman niya, pero babalik din yun ng Australia.

"Pero he’s trying while he’s here.

“Kung mabigyan ng opportunity, puwede, pero right now, hindi pa naman.

"Hindi pa kasi nahahasa, bago pa lang, e, as in wala pa talagang alam.

“If he’s given a chance, why not, gusto ko rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN