Dionne Monsanto dismisses first impression of her as intimidating

Dionne Monsanto says her "intimidating" look may be one of the reasons she is still single: "I think my reputation precedes me. They think na maldita talaga ako or high strung ako when in fact I'm not."


“Ako na lang ang natitirang single dito. Wooh, hirap!”

Ito ang pabirong pahayag ni Dionne Monsanto nang magkaroon ng mini reunion ang female ex-housemates ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother kamakailan.

Sa nasabing okasyon, muling nakasama ni Dionne ang batchmates niya mula sa Season 2 (2007) na sina Bea Saw, Gee-Ann Abrahan, at Wendy Valdez; at mga kaibigan mula sa Season 1 (2005) na sina Nene Tamayo at Say Alonzo.

Lahat sila ay kasal na at may mga anak na, maliban kay Gee-Ann.

“I'm really happy with my friends, especially my batchmates from PBB and also Say and Nene.

“We've been friends for 11 years now since 2007.

“It's been a long time and I'm so happy to be there and witness different stages and phases na they went through.

“I'm glad to be part of the progress they've gone through with their lives,” sabi ni Dionne nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Pamper Day na inorganisa ni Say kasama ang Skechers Philippines noong March 21.

Bagamat nananatiling single sa kanilang grupo, hindi naman daw ito alintana ng aktres.

Sabi ni Dionne, “As for me, I'm happy where I'm at.

“I like being able to travel anytime anywhere and do whatever what I want.

“Of course, I would want to settle down and have kids and all that. But right now, I'm not ready yet.”

Hindi rin naman hinahanap-hanap ni Dionne ang pakiramdam ng nasa isang relasyon.

“I'm not actively looking, but I'm not closing my doors as well.

“If the right person comes, he'll come.

"Pero wala, I'm not dating anyone, I'm not seeing anyone.”

INTIMIDATING. Nabanggit ni Dionne na madalas na impression sa kanya ng mga lalaki ay “intimidating.”

Sinabi namin na marahil sanhi ito ng madalas na pagganap niya bilang kontrabida sa mga teleserye.

Sa katunayan, binansagan na siyang "Bida ng Sampalan" dahil sa madalas na eksenang ginagawa niya sa mga teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, I think that's it,” pagsang-ayon ni Dionne.

“I think my reputation precedes me.

“They think na maldita talaga ako or high strung ako when in fact I'm not.

“I'm one of the calmest and one of the chillest person you'll ever meet.

“Makulit ako when I'm with my friends, pero on a regular day, sobrang kalma ko.”

Read from FHM Philippines: Dionne Monsanto is the most sinister and sexiest kontrabida on TV now


Hindi kaya dahil sa image na ito ay iiwasan na niya ang tumanggap ng kontrabida roles?

“I love playing villain, sobra!” agad na sabi ni Dionne.

“For the longest time, they're giving me roles na mabait, but then sa kontrabida pala ako babagay.

“I really appreciate the opportunity given to me by Ruel Bayani's business unit.

“Sobra, I will be forever grateful.”

Diin pa ni Dionne, “If I like the role, whether it's mabait or maldita, I will try my best to give it justice.”

Pagdating naman sa pag-ibig, ito ang huling pahayag ng aktres, “I'm not closing my doors on relationships, we'll see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN