Dionne Monsanto enjoys freelance status

Dionne Monsanto clarifies earlier report about her transfer to Kapuso network.
by Nerisa Almo
Mar 31, 2018
Although Dionne Monsanto has appeared in several Kapuso shows, she clarifies that she is currently a freelance artist, "I don't have a regular show yet with either [ABS-CBN] or [GMA]."

Nilinaw ni Dionne Monsanto na hindi pa opisyal ang paglipat niya sa GMA Network.

“I am freelance. I have not signed anything with anyone yet,” sabi ng dating Pinoy Big Brother housemate nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na Pamper Day ng Skechers Philippines noong nakaraang linggo.

Matatandaan na naibalita ng PEP ang tungkol sa paglipat matapos mag-post ang AGP Casting Agency ng larawan niya at ng dating Kapamilya actor na si Matt Evans na kuha mula sa lobby ng GMA.

Ang AGP Casting Agency ay pagmamay-ari ng talent manager na si Rams David.

Ayon kay Dionne, sa ngayon ay namamagitan lamang ang AGP Casting Agency sa mga proyektong ino-offer sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “They do certain deals for me, parang it depends on who gets to book me.”

Simula nang maiugnay sa naturang talent agency, lumabas na bilang guest sa ilang GMA shows si Dionne katulad ng Eat Bulaga! at Mars.

May naka-schedule din siyang taping para sa isang programa sa GMA News TV kinabukasan ng aming panayam sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunman, muling nilinaw ni Dionne, “I don't have a regular show yet with either [ABS-CBN] or [GMA].”

FREELANCE STATUS. Samantala, nae-enjoy naman daw ngayon ni Dionne ang kanyang pagiging freelance artist.

“What I like about being freelance is I get to do whatever projects I want. I really like it,” sabi ni Dionne.

Excited naman niyang ibinahagi ang proyektong ginawa niya kamakailan. Ito ay isang Japanese film na hango mula sa isang manga o Japanese comic book.

“Last year, I did this Japanese-Filipino film, it off of a manga.

“I stayed in Japan for almost a month to study the role, to learn about Japanese [culture].

“That's what I love about my job, when I have to study for a role, when I have to prepare for a role whether mentally or physically, and I change my look.

“I gained a few pounds because the role asked for it.”

Taong 2007 nang makilala si Dionne bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother Season 2. Matapos nito ay sunud-sunod na ang naging proyekto niya sa ABS-CBN.

Pero ngayon isa na siyang freelance artist, sabi ni Dionne, “I love the freedom now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano kasi, I've been acting since 2002. My orientation is mainly mainstream because I started in ABS-CBN Cebu for a teleserye.

“I love TV but I also love whatever I can do now—whether it can be film or TV.”

Isa raw sa mga nagustuhan niya sa estado niya ngayon ay ang pag-o-audition katulad ng ginawa niya para sa nabanggit niyang Japanese film.

Saad ni Dionne, “I really wish though that we held more auditions here in the Philippines.

“Kasi there are roles na I want but then I can't audition for it because kasi may set of people na.

“Kaya sobrang trinesure yung Japan experience ko, yung Japanese film, kasi I auditioned for it.”

Para kay Dionne, hindi problema ang pag-o-audition kahit isa na siyang kilalang aktres lalo na sa pagiging kontrabida.

“I don't mind auditioning,” aniya.

“Although, I have to say, I'm the worst at auditions.

“Kasi when I do a teleserye, alam ko na ang role ko, kilala ko na role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When you do auditions kasi, doon mo lang malalaman kung sino ka, 'di ba?

“Hindi mo alam kung saan nanggagaling ang eksena. But I love the feeling when I audition.”

Sa ngayon, wala raw anumang pinipiling role si Dionne, “If I like the role whether it's mabait or maldita, I will try my best to give it justice.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Dionne Monsanto has appeared in several Kapuso shows, she clarifies that she is currently a freelance artist, "I don't have a regular show yet with either [ABS-CBN] or [GMA]."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results