Comedian Jobert Austria supports John Lloyd Cruz's decision to take a leave

IMAGE Noel Orsal / @JohnLloydcruztm On Instagram

Nami-miss daw ng komedyanteng si Jobert Austria ang co-stars niya sa Home Sweetie Home na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Kaya pabirong mensahe niya sa dalawa, "Nami-miss niyo ba kami?"


Lagpas tatlong taong nagkasama ang komedyanteng si Jobert Austria at ang aktor na si John Lloyd Cruz sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Katulad ng iba niyang kasamahan, nabigla rin si Jobert sa biglaang pag-alis ni John Lloyd sa show.

Kailan ba niya huling nakausap ang kaibigan? Tugon ni Jobert, “Kailan ba? Noong New Year.

“Sabi niya, 'Happy New Year.'

“Nagbatian kami. Kinumusta ko naman, okey naman daw.

“Masaya naman siya ngayon.”

Oktubre ng taong 2017 nang magpaalam si John Lloyd na pansamantala muna siyang liliban sa showbiz matapos ang bakasyon nila ng girlfriend na si Ellen Adarna sa Bantayan Island, sa Cebu.

Kasunod nito, lumabas ang balitang buntis na si Ellen sa magiging panganay nila ng aktor.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Masaya ba siya para sa co-stars sa Home Sweetie Home na sina John Lloyd at Ellen?

Paliwanag ni Jobert, “E, kasi wala ka naman mahihiling sa isang kaibigan kundi masaya siya kasi desisyon niya yun.

“Kung ano man yung desisyon niya sa buhay niya, suportado mo siya bilang kaibigan at saka malalim ang pinagsamahan namin.

“Kaya lang may mga desisyon tayo na talagang para sa sarili natin, kung ano man yung kalabasan nun, yun yung haharapin natin.”

Pabirong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jobert kung natanong ba niya si John Lloyd kung magkasama sila ni Ellen.

Natawa niyang sagot, “Baka mayari ako diyan, 'di ko alam.”

Ayon pa kay Jobert, nami-miss daw niya ang mga dating kasamahan sa show kaya mensahe pa niya sa dalawa, “Nami-miss niyo ba kami?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN