Gerald Anderson unaffected by rumored relationship problem with Bea Alonzo

IMAGE File

Gerald Anderson says there's no problem with his love life amid reports saying that his relationship with Bea Alonzo is on the rocks.


Hindi halata kay Gerald Anderson kung sakali mang totoong mayroon silang pinagdaraanan ng rumored girlfriend na si Bea Alonzo nang dumalo ang aktor sa event ng DZMM sa Athens, Greece nitong weekend.

Agora athens greece .. The birth place of democracy ..

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Ayon sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN ngayong Miyerkules, March 28, magiliw at masaya raw si Gerald na hinandugan ng mga awitin ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFW) doon.

Sa tanong tungkol sa kanyang love life, nakangiti lamang ang aktor at sinabing wala naman daw problema.

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda na umere kagabi, March 27, sinabi ni Gerald na nag-text pa raw si Bea sa kanya upang sabihing nagustuhan niya ang pelikula nila ni Pia Wurtzbach na My Perfect You.

Game din daw siya sakaling magtambal silang muli ng Miss Universe 2015.

Umugong ang balitang may problema sa relasyon nina Gerald at Bea nang i-unfollow ni Bea sa Instagram sina Gerald at Pia.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram

Dagdag pa sa ulat, sinabi raw ng Star Magic—ang talent management ng ABS-CBN na nagha-handle ng career nina Bea at Gerald—na ayaw pa raw magbigay ng aktres ng pahayag tungkol sa isyu.

Ayaw ring patulan ng kampo ni Pia at boyfriend nitong si Marlon Stockinger ang isyu dahil walang problema sa relasyon ng beauty queen at international car racer.

Dahil dito, may espekulasyong posibleng gimik lamang ang balitang pagkakalabuan nina Bea at Gerald para sa promotion ng pelikula nina Gerald at Pia, na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN