A lookback on the life of matinee idol Rico Yan

IMAGE Web (ctto)

Sa 16th death anniversary ni Rico Yan, binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa makukulay na karanasan ni Rico Yan sa kanyang showbiz career, buhay pag-ibig, at ang kanyang biglaang pagpanaw noong March 29, 2002.


Isa sa hindi matatawarang matinee idols ng showbiz si Ricardo Carlos Castro Yan, o mas kilala bilang Rico Yan.

Sa pinakaunang TV commercial pa lang niya para sa isang men’s facial astringent ay nagmarka na siya bilang Mr. Dimples, na may ngiting kinakiligan nang husto ng mga manonood.

Nasa huling taon noon si Rico bilang marketing management student sa De La Salle University, at mismong ang binata ay hindi akalaing ito ang magtutulak sa kanyang maging artista.

Kuwento ni Rico sa file interview ng ABS-CBN public affairs program na Pipol, “I was eating in one of the fast foods in La Salle.

"A talent scout came over asking if I want to be a commercial model. Sabi ko, ‘Yeah, right.’

"Because pumipila ako, and he just comes over. So, akala ko ginu-good time ako nito."

Masuwerteng kasama sa screening committee ng kanyang first TVC ang star builder at ABS-CBN Talent Center big boss na si Johnny Manahan.

Kaya noong 1995, napabilang si Rico sa Star Circle Batch 1 ng ABS-CBN Talent Center, ang talent management ng ABS-CBN na ngayon ay kilala bilang Star Magic.

Nang sumunod na taon, naging katambal ni Rico si Judy Ann Santos sa youth-oriented series na Gimik.

Kasama rin sa cast ang ibang promising talents ng Star Circle na sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Diether Ocampo, Mylene Dizon, Bojo Molina, Diego Castro, at Giselle Tongi.


Ilan sa mga pinagbidahan niyang prime time series ay ang Mula Sa Puso (1997-1999) at Saan Ka Man Naroroon (1999-2000) katambal ang kanyang reel-and-real-life sweetheart na si Claudine Barretto.

Sumikat din si Rico sa mga pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998), Kay Tagal Kang Hinintay (1998), Mula Sa Puso The Movie (1999), Gimik: The Reunion (1999), at Got 2 Believe (2002).

DEATH OF A MATINEE IDOL. Hanggang sa noong March 29, 2002, Biyernes Santo, nang magulantang ang sambayanang Pilipino sa balitang pumanaw si Rico habang nakabakasyon sa Dos Palmas Island Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Palabas pa noon sa mga sinehan ang pelikulang Got 2 Believe, kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng mga masugid na tagasuporta ng binata na iyon na ang huling pagkakataong masisilayan ang aktor na magpakilig sa pelikula.

Bukod dito ay kakadiwang lamang ng binata ng ika-27 kaarawan nito, 15 araw ang nakararaan o March 14.


IMAGE Got 2 Believe poster

Nasa rurok ng kanyang kasikatan si Rico nang bawian siya ng buhay dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis.

Kasama niyang nagbakasyon sa Palawan ang matalik na kaibigang si Dominic Ochoa, girlfriend noon ni Dominic na si Janna Victoria, at ilang non-showbiz friends.

Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, bandang 9:30 A.M. nang matagpuan ni Dominic si Rico na wala nang buhay sa loob ng kuwarto nito.

Ito ay ilang oras lamang mula nang nagkasiyahan ang kanilang grupo sa piano bar ng resort, kung saan sinasabing kumanta pa si Rico ng ilang awitin.

Dinedicate pa raw ng binata ang kantang “Falling For You” at “Got To Believe” para kay Claudine, na hindi kasama ni Rico na nagtungo ng Palawan.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay ilang linggo nang hiwalay ang dalawa noon.

Sa hiwalay na ulat ng YES! Magazine, nakasaad na isinugod si Rico sa Adventist Hospital sa Puerto Princesa, Palawan, kung saan opisyal na idineklarang patay ang aktor ng 10:45 ng umaga.

Ang ama ni Rico na si Roberto Yan at kapatid na si Bobby Yan ang sumundo sa mga labi ng aktor via private plane, courtesy of ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III.   

Ibinurol ang mga labi ni Rico sa chapel ng La Salle Greenhills, na kanyang high school alma mater.

Sinasabing umabot ng 10,000 ang dumalo sa libing ng aktor noon sa Manila Memorial Park sa Parañaque.


"BROKEN PROMISE." Hindi rin malilimutan ang emosyunal na panayam kay Claudine Barretto ng TV host na si Boy Abunda sa The Buzz noong March 31, 2002.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito inamin ni Claudine na naghiwalay sila ni Rico matapos nilang magkaroon ng “big fight” na nag-ugat sa isang simple lang sanang problema.

Ngunit nang huli silang magkausap sa telepono ay nagkasundo raw silang magbalikan.

Emosyunal na pahayag ni Claudine, “He broke his promise again.

“Na when he gets back, we’ll fix everything, we’ll do something about the problem, and na hindi niya ako iiwan.

“Sabi niya, wala sa aming mang-iiwan, e.

“Pero he has to go, and I can’t do anything about it.”

Ipinakita sa The Buzz ang huling Christmas gifts ng couple sa isa’t isa.

Binigyan ni Rico si Claudine ng video cam, at nakatanggap naman ang binata ng mamahaling relo na may diamonds mula sa nobya.

Ayon kay Rico, itinuturing niyang “best” gift ang natanggap na regalo mula sa longtime girlfriend.

Minsan ding inilarawan ng aktor si Claudine na siyang pinagkukunan niya ng inspirasyon at lakas ng loob.

Sa panayam sa kanya ni Sharon Cuneta, sinabi ni Rico patungkol kay Claudine, “If it weren’t for her, I wouldn’t be where I am right now. Siya yung pader na sinasandalan ko.”   


RICO'S UNDENIABLE CHARM. Sa hiwalay na tribute episode ng The Buzz noon, ilan sa mga malalapit na kaibigan at katrabaho ni Rico ang nagbalik-tanaw sa masasayang alaala nila sa yumaong aktor.

Una na rito ang yumaong box-office director na si Wenn Deremas, na siyang nagdirehe ng Mula Sa Puso, ang teleseryeng pinagbidahan nina Rico at Claudine.

Ayon kay Direk Wenn, malapit na magkaibigan sila ni Rico kaya hindi mahirap para sa kanyang ilabas ang emosyon ng aktor sa isang eksena.

Natumbok din ng direktor ang dahilan kung bakit nakilala bilang sikat na matinee idol si Rico.

“Halos lahat ata nahawakan ko nang kabataang artista. Pero pag nagpa-cute sa eksena, kabog silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, charming kasi si Rico, e. Konting ngiti niya na pangiwi, labas niya lang dimples niya, yung mata lang niya, sobrang cute!”

Ang direktor na si Rory Quintos ay kabilang din sa mga humubog kay Rico bilang isang artista mula nang unang salang pa lang binata para sa workshop ng Star Circle Batch 1.

“We were there, talagang sobrang guwapo ni Rico. He was very intelligent…

“And during the being workshop, talagang nag-stand out siya because he broke down and gave a very beautiful performance.”

Bukas din daw ang aktor sa pagbahagi ng buhay nito mula pagkabata hanggang sa lumaki ito—na malaking tulong sa pag-arte ng isang artista.

Nagkatrabaho sina Rico at Direk Rory sa pelikulang Kay Tagal Kang Hinintay, kung saan leading lady ng aktor si Judy Ann.


A GOOD FRIEND. Naging malapit na mga kaibigan ni Rico sina Dominic Ochoa at Marvin Augustin nang mabuo ang kanilang grupong Whattamen sa dating ABS-CBN noontime show na Magandang Tanghali Bayan (MTB).

Kuwento ni Marvin, nakitaan niyang bagay sa kaibigang sumabak sa pulitika dahil sa talino nito at sense of leadership.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bro, malakas ang paniniwala ko, magiging presidente ka ng Pilipinas.’

“Hindi siya nagsasalita, hindi niya kinu-confirm sa akin na, ‘Oo, gagawin ko. Oo, papasukin ko.’ Pero I could feel it. Ngumingiti [siya].

“Sabi ko sa kanya, ‘Supporter mo ako.’ Alam ko kayang-kaya niya.”

Noong gabi bago binawian ng buhay si Rico ay sandaling tinawagan pa nito si Marvin sa telepono. 

Sabi raw ni Rico kay Marvin, "Bro, sana nandito ka. Nagdi-dinner kami by the beach. Iniisip ka namin."

Naluluha namang inalala ni Dominic ang huling sandaling nakapiling niya si Rico.

“Gusto ko lang sabihin na happy'ng-happy siya."

Bago pa raw sila nag-good night sa isa't isa ay sinabi ni Rico, "This is the best time of my life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LOVING BROTHER AND SON. Sa kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan, hindi nito malilimutan ang pagmamahal ng aktor sa kanilang pamilya.

Inalala pa ni Tina kung paanong sorpresang bumili si Rico ng kotse para sa kanilang mga magulang noong huli silang magdiwang ng Pasko.

“He was with me, November, in San Francisco when they had that MTB show.

“He was telling me, ‘Tina, guess what we’re gonna give mom and dad?’

"I said, ‘What?’ ‘I’m gonna get them a car and I’m gonna say it’s from all four of us.’

“It’s always like that. He’ll always include me, my sister, and Bobby.

"He’ll never say it’s just him."


Naging madamdamin din ang eulogy ng ina ni Rico sa huling araw ng lamay ng yumaong aktor.

“Rico, being what he is, having given joy to so many people, I cannot believe that he will make us sad.

“I cannot believe he will leave us distraught and grief-stricken—his family.

“That’s why, probably, I was being strong all these days, not crying, because I was still trying to find an answer to that.

“And now, I have found it—He said, ‘Mommy, you’re not going to grieve. Because by my death, something will come out of it.'”

Sabi pa ng ginang sa hindi mabilang na mga kaibigan, kapamilya, at iba pang nakiramay sa pagkawala ni Rico:

“I wanna thank you—not anymore now as somebody that I don’t know, that I just met here or somebody that he has touched—I wanna thank you as a family.

“I’ve lost a son. But obviously, this is one whole family—every single person that he touched.”


NO REGRETS. Sa kanyang pagkawala, nag-iwan si Rico ng inspirasyon na bawat pagkakataon ay oportunidad na maging mabuting bersiyon ng sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rico sa file interview ng Cover Story, “Hindi puwede yung, ‘Puwede na ‘yan.’

“Kailangan palaging do your best.

“Kasi pag ginawa mo yun, pag yun ang prinsipyo mo sa buhay mo—pag nagkamali ka sa buhay mo, may nangyaring hindi kanais-nais, nahulog ka, natumba ka—at least, masasabi mo na, 'I did my best.'"

READ: Remembering Rico Yan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN