Bianca Manalo, Ehra Madrigal among survivors of Antique boat capsize accident; one dead

IMAGE File

Kabilang ang mga aktres na sina Bianca Manalo (kaliwa) at Ehra Madrigal (kanan) sa mga nakaligtas nang tumaob ang isang speedboat sa karagatan ng Culasi, Antique, noong Huwebes ng umaga, Marso 29.


Kabilang ang mga aktres na sina Bianca Manalo at Ehra Madrigal sa mga nakaligtas nang tumaob ang isang speedboat habang binabaybay ang isang isla sa bayan ng Culasi, Antique, noong Huwebes ng umaga, Marso 29.

Kabilang din sa nailigtas ang mayor ng Pandan, Antique na si Jonathan Tan.

Si Mayor Tan ay boyfriend ng beauty queen-actress na si Bianca.

Isa ang namatay sa insidente. Ito ay kinilalang si Bernie Dable, bodyguard at kaanak ni Mayor Tan.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, si Dable, na siyang nagmamaneho ng speedboat, ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon kay Jesus Aguirre Dioso, public relations officer of Pandan, kabilang din sa nakaligtas sa insidente ang mister ni Ehra na si Tom Yeung at limang iba pa.

Lahad pa ni Dioso, lumubog ang bangka bandang 10:50 Huwebes ng umaga, at dumating ang mga nakaligtas sa pampang bandang 1:45 ng hapon.

Lumangoy raw si Mayor Tan at isa pang survivor, na kinilalang si Torebeo Barrentos, mahigit dalawang oras papunta sa baybayin ng dagat.

Dito na raw sila nakita ng ilang mangingisda at tinulungan.

Sumakay raw ang alkalde sa isang pumpboat at binalikan ang lumubog nilang bangka upang alamin ang kalagayan ng kanilang mga kasamahan.

Sinabi pa ni Dioso na dapat ay ipapasyal ni Mayor Tan ang kanyang mga kaibigan sa Mararison island, isa sa sikat na isla sa Antique.

Ayon naman kay Sr. Inspector Glen Jaromay, officer in charge ng Sebaste police, tinamaan ng malakas na alon ang speedboat habang papunta ito sa isla kaya ito tumaob.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN