Is Gabbi Garcia transferring to ABS-CBN?

IMAGE Gabbi Garcia Instagram

Lilipat na ba ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia sa Kapamilya network? Ito ang katanungan ng ilang followers ni Gabbi pagkatapos mabasa ang kanyang Twitter post na "how 2 make the right decision."


Nakapukaw ng pansin sa netizens ang cryptic post ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia nitong Biyernes ng gabi, March 30.

Sabi ni Gabbi sa kanyang tweet: "how 2 make the right decision"

Sa paraan ng kanyang pagkakasulat, kung saan ginamit niya ang numerong "2" sa halip na salitang "to", tila may ipinapahiwatig ang 19-year-old actress.

Tanong ng ilan niyang followers sa Twitter: lilipat na ba si Gabbi sa ABS-CBN?

Lalo pa't namatay na ang karakter na ginagampanan niya bilang Lily Pelaez sa GMA-7 prime time series na Sherlock Jr.

Ito ay sa kabila ng siya ang leading lady ng bida at ka-love team niyang si Ruru Madrid.

Narito ang ilan sa mga komento ng followers ni Gabbi sa Twitter:

Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging malapit na kaibigan ni Gabbi sa ilang Kapamilya stars, kabilang na si Julia Barretto.

Bukod sa Sherlock Jr., ang isa pang regular show ni Gabbi sa GMA-7 ay ang weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

May online show rin siya, ang Hashtag Goals.

Si Gabbi ay naging bahagi ng Kapuso network mula noong 2014.

Ilan sa mga programang nilabasan niya ay ang mga sumusunod: My Destiny (2014), InstaDad (2015), Let The Love Begin (2015), Naku, Boss Ko! (2016), at Encantadia (2016-2017) kung saan gumanap siya bilang isa sa mga Sang'gre.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Gabbi tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN