Bianca Manalo's mayor boyfriend narrates rescue efforts after boat accident

IMAGE Courtesy of Municipal Disaster Risk Reduction Management Sebaste, Antique

Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan (right) says he swam for two hours to rescue girlfriend Bianca Manalo (left) and their companions.


Dalawang oras daw lumangoy sa karagatan ang mayor ng Pandan, Antique na si Jonathan Tan at isa nitong kasama upang humingi ng saklolo at mailigtas ang iba pa nilang kasamahan pagkatapos tumaob ang speedboat na sinasakyan nila sa karagatan ng Culasi.

Kabilang sa nailigtas ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo, ang girlfriend ni Mayor Tan.

Nakaligtas din sa insidente ang aktres na si Ehra Madrigal at ang mister nitong si Tom Yeung.

Ngunit isa sa kanila ang nasawi. Ito ay si Bennie Dable, pinsan at bodyguard ni Mayor Tan.


Stories We Are Tracking

Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident

Ayon kay Mayor Tan sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, papunta sila Mararison Island nang hampasin ng malakas na alon ang sinasakyan nilang bangka.

"Napakabilis lang ng pangyayari, 10 to 15 seconds, tumaob na kami. Nag-panic na ang lahat.

"I had to do something. Kung hindi ko gagawin yun, malulunod kaming lahat."

Kuwento pa ng alkalde, pagkatapos nilang subukang humingi ng saklolo, nagdesisyon siyang lumangoy sa dalampasigan kasama ang kinilala niyang si Torrebeo Barrientos.

Sabi ni Mayor Tan, "Nagpe-pray ako, sabi ko, 'Lord, ayoko maging selfish; please save me so I can save them."

Sa tantiya ng alkalde, lumangoy siya ng apat na kilometro sa loob ng dalawang oras bago sila nakita ng mga mga mangingisda sa Brgy. Aras-asan, sa bayan ng Sebaste.

Pagkatapos nito ay agad nilang balikan ang lugar kung saan naroon si Bianca at iba pa nilang mga kasamahan.

Pahayag ni Mayor Tan, "Napaiyak talaga ako.

"While we were on our way pabalik sa kanila, sabi ko, 'Makikita ko pa ba sila? Are they still there?'

"Grabe talaga, parang pelikula yung pangyayari.

"Talagang hindi ko ini-expect na mangyayari ito sa amin."

Kaagad naman silang nakatanggap ng medical attention mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management pagkatapos nilang mailigtas.



UPDATE ON BIANCA. Samantala, nagbigay naman ng update ang manager ni Bianca na si Jonas Gaffud tungkol sa kalagayan ng aktres pagkatapos ng trahedya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan ni Noel Ferrer ng PEP Troika, ito ang sinabi ni Jonas tungkol kay Bianca kahapon, March 30:

“She is still there. But she was able to go to church already today. She was still crying when we were talking.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN