Aiko Melendez admits relationship with Subic Mayor Jay Khonghun

IMAGE PEP Source

After several public sightings together, Aiko Melendez finally admits relationship with Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

 


Ipinangako ni Aiko Melendez, 42, na sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) niya unang aaminin at ilalahad ang identity ng kanyang bagong boyfriend, na itinatago niya ang katauhan mula pa noon bilang isang “politician from the North.”

Kahit may alam na kami sa pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend, minabuti naming irespeto ang hiling ni Aiko na may tamang panahon para kumpirmahin niya sa media ang katauhan ng nobyo.

Ayon pa sa kanya, sa Holy Week niya kami bibigyan ng pahintulot na isulat ang tungkol sa kanila ng boyfriend.

Ang boyfriend ni Aiko ay si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

POLITICIAN FROM THE NORTH. May ilang sightings na rin kunsaan kasama sa mga pampublikong lakad ni Aiko si Mayor Jay.

Namataan sila ng isang PEP.ph staff noon na namimili sa isang grocery store.

Kasama rin ni Aiko ang alkalde sa concert ni Maja Salvador na Maja On Stage noong March 23.  


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez spotted with a date at Maja Salvador's concert
Aiko Melendez spotted with a date at Maja Salvador's concert

Kasama rin niya ang boyfriend sa unang professional race ni Andre Yllana, ang anak niya sa dating asawang si Jomari Yllana, sa Clark International Racing Competition noong March 25.


Stories We Are Tracking

Aiko brings BF to son Andre's first professional race
Aiko brings BF to son Andre's first professional race

Si Mayor Jay ay 40 anyos at hiwalay na sa asawa.

Mayroon silang isang anak na lalaki.

Siya ay nagtapos ng kursong Civil Engineering sa Mapua University noong taong 2000.

Sumabak siya sa pulitika taong 2004 bilang Provincial Board Member ng Zambales.

Taong 2010, nanalo siyang mayor ng Subic at ngayon ay third term na niya bilang alkalde ng nasabing bayan.

Samantala, si Aiko naman ay hiwalay sa dalawang naging asawa nito—una ay si Jomari, ang ama ng anak niyang lalaki na si Andre.

Pangalawa ay kay Martin Jickain, ang ama naman ng kanyang anak na babae, si Marthena.

THE LOVE STORY. Matagal na raw naudlot ang pagdi-date nina Aiko at Mayor Jay.

Sabi ng aktres sa PEP.ph, “We were supposed to date three years ago, pero hindi kami natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos, he was messaging me sa IG [direct messaging], but super deadma ako kasi hindi ko naman siya kilala.”

Minsan daw, pumayag na rin siyang makipag-dinner sa pulitiko.

Aniya, “Hanggang one time, nag-set kami ng dinner meeting.

"From then on, our communication didn’t stop na. He was constantly calling and sending me messages.”

Dahil pareho silang public figure, nais sana nila gawing pribado ang kanilang relasyon.

Pero hindi raw maiiwasang makita sila sa publiko, kaya gusto na rin nilang ipaalam sa tao ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Diin pa ni Aiko, “Gusto namin pareho sana private yung relationship kasi nga public na kaming pareho.

“Kaso nga, people are seeing us na constantly, so we both decided na okay to share it sa tao but still would not want discuss further about us in public.

“We want to keep it low for a change.”

Sa tanong kung kailan niya sinagot si Mayor Jay, natatawang tugon ni Aiko: “Secret, basta officially, kami na.”

SECOND MAYOR. Si Mayor Jay ay pangalawang ''mayor'' sa buhay ni Aiko.

Ang una niyang nakarelasyong public servant ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nina Aiko at Mayor Patrick noong taong 2011 dahil nauwi ito sa demandahan.

Ngayon, maayos na ang relasyon nina Aiko at Mayor Patrick, pati na sa kaibigan niyang si Ara Mina na siyang sumunod na girlfriend noon ng alkalde pagkatapos nilang maghiwalay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN