Makahulugan ang post ng rumored couple na sina Joshua Garcia and Julia Barretto sa Twitter nitong Mahal na Araw na tila pasaring sa kanilang kritiko pagdating sa kanilang personal na buhay.
“Anong alam nila tungkol satin na hindi natin alam tungkol satin? @BarrettoJulia,” tweet ni Joshua nitong March 30.
Anong alam nila tungkol satin na hindi natin alam tungkol satin? @BarrettoJulia
— Joshua Garcia (@iamjoshuagarcia) March 30, 2018
Sumagot naman dito si Julia, “I also dont know baba.”
I also don’t know baba ???? https://t.co/N6Um7EVEls
— Julia Barretto (@BarrettoJulia) March 30, 2018
Kamakailan ay naging isyu ang pagmi-message umano ng aktor sa isang female netizen dahilan upang isipin ng fans nila ni Julia na may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.
Umani rin ng batikos si Joshua dahil sa pagkuwestiyon ng mga netizens sa kanyang loyalty kay Julia.
Ikinatuwa naman ng fans ng dalawa ang status na ito nina Joshua at Julia na nag-alala na naghiwalay na ang dalawa.




