Ai-Ai delas Alas's son proposes to girlfriend in Singapore

IMAGE Instagram

The eldest son of Ai-Ai delas Alas, Sancho Vito, proposes to girlfriend Shanna Retuya during their trip to Singapore in Easter Sunday.


Nag-propose na ang panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho Vito delas Alas sa girlfriend nitong si Shanna Retuya habang nasa Singapore sila nitong Easter Sunday, April 1.

Sa Instagram account ni Sancho, ibinahagi niya ang mga larawan ng proposal niya kay Shanna, kung saan makikita sa background ang Singapore Flyer, ang giant Ferris wheel sa nasabing Asian country.

Apat na taon nang magkarelasyon sina Sancho at Shanna. 

Caption ng Ang Probinsyano actor para sa kasintahan: “’From this day forward, you should not walk alone. My Heart will be your shelter and my arms will be your home.’ I love you shaning! #Engaged#HappyEaster”

Post naman ni Shanna sa kanyang Instagram: “Feeling ecstatic just imagining I’m spending the rest of my life with my soulmate. I love you sanchovito!!!!!”

A post shared by Shaning (@shannaretuya) on

Sa pagbati naman ni Ai-Ai, binanggit nito sa hashtag na ikakasal ang anak niya sa December ng taong kasalukuyan.

Caption ni Ai-Ai: "Congrats baby boy and nene @sanchovito @shannaretuya .. may the good LORD shower you with more more blessings and children to come... #proposalsasingapore #ikakasalnasadec"

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN