Karla Estrada encourages other plus-size women to wear swimsuits: "Huwag tayong mahihiya."

IMAGE Instagram (@karlaestrada1121)

Karla Estrada encourages fellow plus-size women to wear swimsuits confidently. "Huwag tayong mahihiya dahil hindi naman talaga sila ang bumili ng pagkain kaya tayo lumaki ng ganito."


Lumikha ng ingay sa social media ang pagpu-post ni Karla Estrada ng kanyang swimsuit photos sa Instagram, sa kabila ng kanyang timbang. 

Inamin ng ina ni Daniel Padilla na double XL ang size ng bathing suits niya.


Stories We Are Tracking

Karla Estrada in bikini wows fellow celebrities and netizens
Karla Estrada in bikini wows fellow celebrities and netizens

Sa episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Lunes, April 2, ipinaliwanag ni Karla kung bakit siya nagdesisyong i-post ang kanyang mga larawan na naka-swimsuit.

Saad niya, “Parang karamihan kasi sa atin dito sa Pilipinas ay hindi bukas ang ating pang-unawa na kahit mataba ka, e, puwede kang mag-bathing suit.

“Medyo meron tayong ganun na parang napupulaan tayo.

"'Tapos tayo, nasanay tayong matataba na talagang hindi na tayo makapag-swimming sa dagat.

“Nilagay po ng Diyos ang karagatan na ‘yan para sa ating lahat ay ma-enjoy natin.”

Biro pa ni Karla, “So, huwag tayong mahihiya dahil hindi naman talaga sila ang bumili ng pagkain kaya tayo lumaki nang ganito.”

Ayon sa Kapamilya actress-TV host, ang kanyang mga bathing suit ay mula sa isang sponsor sa United States at ang modelo nito ay ang American host at plus-size model na si Ashley Graham.

Paliwanag pa ni Karla sa pagsusuot niya ng bathing suit, “Ako naman, gusto ko lang makatulong, magbigay ng inspirasyon sa mga kapwa natin Pilipinang medyo may kalakihan na, 'Hello! May mga bathing suit na kakasya sa inyo. Magsuot kayo.'

"Kasi ang point ng pagsusuot ng bathing suit kapag ikaw ay nasa dagat ay para pumantay ang kulay mo at ma-enjoy mo ang pagsu-swimming."

Payo pa ng dating sexy star sa mga kapwa babaeng plus-size, “Sa mga kababayan natin, lalo na yung mga kababaihan, mga Pilipinang kababaihan, na huwag na kayong mahihiya.

“Magsuot kayo ng gusto niyo as long as kaya niyong dalhin at confident ka sa kasuotan mo at, siyempre, magsusuot ka ng naaayon lang kung nasa’n ka.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN