Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on Instagram

IMAGE Instagram @reallysharoncuneta / Noel Orsal

Sharon Cuneta hints at feeling "humiliated and hurt" over foiled friendship with ex-husband Gabby Concepcion.


Usap-usapan sa social media na in-unfollow nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang isa’t isa sa Instagram.




Noon lamang February 7, 2018 ay kinakiligan ng kanilang mga tagasuporta ang pag-follow nila sa isa’t isa sa Instagram.

Maging ang anak nila na si KC Concepcion ay ikinatuwa ang unti-unting panunumbalik ng magandang samahan sa pagitan ng kanyang mga magulang.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion reacts to Sharon-Gabby interaction on IG
KC Concepcion reacts to Sharon-Gabby interaction on IG

Ngunit ngayong araw, April 2, kung titingnan ang Instagram followers ni Sharon ay wala na roon si Gabby.

Wala na rin si Sharon sa listahan ng Instagram followers ni Gabby.


Kapansin-pansin din kagabi, April 1, ang paglabas ni Sharon ng saloobin sa umano’y naunsiyaming pagkakaibigan at nakatakda sanang balik-tambalan nila sa pelikula ni Gabby.

Bahagi ng pahayag ng Megastar, “You will never know how much pain losing what I thought would be a lasting friendship this time has caused me.

“How can only all good intentions go wrong?

“I guess that’s life. And because I trust God, I know that I will understand in time.”

Hindi man tuwirang binanggit ni Sharon ang pangalan ni Gabby, base sa mga sumunod niyang pahayag ay sinabi ng Megastar na umasa siyang magiging magkaibigan sila para sa kabutihan ng kanilang anak.

Sabi ni Sharon, “I never wanted to hurt anyone. I also certainly didn’t expect to be humiliated and hurt.

“I just wanted a forever friend to keep for our beautiful child, and a beautiful movie. Minsan ayaw ng tadhana.

“Again, my trust is in the Lord. Sorry again, and here is to the magic of new beginnings!

“Thank You, Jesus, for Easter. And always, a new day. I love you all. Goodnight. God bless us.”

Tonight kahit nga gabi na, I will count as Day 1 of a new beginning. So apt as it is Easter Sunday, after all. And it, and spring, always bring a chance for new beginnings. I am tired of hurting, being hurt, focusing on the whys and why mes when I should be focusing on “Thank You that You chose me, Lord Jesus!” Thank You for the people You have sent my way since childhood to love and love me, guide me, teach me lessons, correct me when I’m wrong. I am sorry for everything I have done to hurt you. And I am sorry TO all of those I have hurt, whether intentionally or not. Recent events have taken the wind out of my sails that I am sure you, my dearest friends and family, already understand why I have been MIA, avoiding messaging, e-mailing...just stopping by barely long enough to post on IG and FB and Twitter for the many who sincerely care for me and those I love, including you guys. You will never know how much pain losing what I thought would be a lasting friendship this time has caused me. How can only all good intentions go wrong? I guess that’s life. And because I trust God, I know that I will understand in time. I also forgive all of you, even if you don’t want or need my forgiveness, or want to ask for it but do not know how. We can still be friends people, but it is also totally alright to not care. As long as I have forgiven, nakabawas na ako sa kasalanan ko sa Diyos kahit konti lang. As long as I know this is “what Jesus would do” at nagagawa ko ang gusto Niya kahit minsan nalilimot ko, alam ko masaya Siya. I never wanted to hurt anyone. I also certainly didn’t expect to be humiliated and hurt. I just wanted a forever friend to keep for our beautiful child, and a beautiful movie. Minsan ayaw ng tadhana. Again, my trust is in the Lord. Sorry again, and here is to the magic of new beginnings! Thank You, Jesus, for Easter. And always, a new day. I love you all. Goodnight. God bless us. ?????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

RENEWED FRIENDSHIP NO MORE? Noon lamang Pebrero ay nagkasama sina Sharon at Gabby sa isang TV commercial, na naging daan upang magkaroon ng closure ang masalimuot nilang paghihiwalay bilang dating mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos umere ang TVC noong February 10 ay nagpalitan pa ng positibong mensahe sina Sharon at Gabby sa isa’t isa.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby

Nasundan pa ito ng masaya nilang lunch meeting sa Makati City noong February 22. 


Stories We Are Tracking

Gabby posts hashtag
Gabby posts hashtag "forgiveness" in photo with Sharon

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 23, nakasaad na ang lunch meeting ng ex-couple ay inayos ng former Star Creatives chief operating officer na si Malou Santos.

Kasabay nito ay marami sa mga tagasuporta nina Sharon at Gabby ang patuloy na umaasang posibleng magbalik-tambalan ang dalawa sa pelikula.

Ngunit wala pang isang buwan mula nang magkaayos ang ex-couple ay tila nagkaroon ulit ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

Sa Instagram post ni Sharon noong March 4, inamin niyang tila na-misinterpret ang kanyang mga binitiwang salita tungkol kay Gabby sa ginawang TV interview ng Megastar para sa ABS-CBN lifestyle show na Rated K.

Pagsapit ng March 23, nagpahiwatig si Sharon na tila hindi na matutuloy ang dapat sana’y nilulutong proyekto nila ni Gabby.


Stories We Are Tracking

Sharon: There may never be another SHARON-GABBY movie again.
Sharon: There may never be another SHARON-GABBY movie again.
What PEP knows about Sharon Cuneta, Gabby Concepcion meeting
What PEP knows about Sharon Cuneta, Gabby Concepcion meeting

GABBY'S IG POSTS. Sa panig ni Gabby, nananatiling tikom ang bibig ng Kapuso actor sa isyu.

Gayunman, hindi maiwasang mapansin ng netizens ang tila matalinhagang Instagram posts ng aktor.

Noong March 23 ay nagbahagi si Gabby ng quote card tungkol sa "timing."

At noong March 31, nagbahagi ang Kapuso actor ng quote card tungkol sa paninindigan sa "personal decision" na makapagbibigay ng "happiness" sa isang tao.


Kagabi, April 1, mayroon ding quote card si Gabby na nagsasabing huwag panay ang lingon sa nakaraan upang makamit ang "happiness."


Isang fan ni Sharon ang kumontra sa March 31 Instagram post ni Gabby.

Sinasabing ni-repost pa ni Sharon sa sariling Instagram account ang pagkontra ng netizen sa quote card ni Gabby.

Ngunit at press time ay deleted na ito sa Instagram account ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN