Matteo Guidicelli denies proposing to Sarah Geronimo in Palawan

IMAGE diplomattshk Instagram

Matteo Guidicelli on settling down: "I thought 28 was the best, but you know, in life, doors open, things change. We will see, life has always new things to offer, so let's see what's going to happen."


Nilinaw ni Matteo Guidicelli na walang proposal o engagement na naganap sa pagitan nila ng kasintahang si Sarah Geronimo nang magbakasyon sila sa Palawan nitong nakaraang Semana Santa.

Sa Palawan ipinagdiwang ni Matteo ang kanyang ika-28 kaarawan noong March 26.

#ashmatt #sarahgeronimo

A post shared by Sarah Geronimo (@forever_popster) on

“Wala pa naman, hindi pa… hindi,” tanggi ng Kapamilya actor-singer.

Kailan ba niya nakikita ang sarili na magpakasal at bumuo na ng sariling pamilya?

Ayon kay Matteo, “Hindi ko pa alam.

“Ang mga bagay-bagay, nagbabago.

“Twenty-eight na ako… I don’t know, we’ll see.

“I thought 28 was the best, but you know, in life, doors open, things change.

“We will see, life has always new things to offer, so let’s see what’s going to happen.”

Katulad ng ibang normal na relasyon, may mga pinagdadaanan din daw paminsan-minsan ang relasyon nila ni Sarah.

“It’s growing. It’s not always up, there are lots of downs also.

"But things are working out, things are good," sabi ni Matteo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa contract signing at digicon ng pagsasanib-puwersa ng Metro at Quad X para sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. na ginanap sa 9501 Chronicle Room ng ELJ Bldg. sa ABS CBN, nitong Martes, April 3.

PALAWAN VACATION. Masaya namang nagbahagi si Matteo tungkol sa bakasyon nila ni Sarah sa Palawan, kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Aniya, “For Holy week, enjoy naman kami. We learned about how pearls were made.”

Hindi kasama ni Sarah ang mga magulang niya nang magpunta sa Palawan.

Nagpaalam ba si Matteo sa mga magulang ng kasintahan?

“Siya ang nagpaalam,” sambit niya.

Marami naman ang kinilig sa viral video nina Matteo at Sarah kung saan nag-duet sila ng mga kantang “Forevermore,” “The Prayer,” “Let’s Stay Together,” at “Bakit Ngayon Ka Lang.”

Si Nico Bolzico, asawa ni Solenn Heussaff, ang kumuha at nag-upload ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat naman si Matteo sa suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanila ng mga tagahanga o AshMatt fans.

“I’m very grateful and very thankful that they are very happy.

“In a way, they inspire us also, so maraming-maraming salamat sa kanilang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN