Bianca Manalo stranded at sea almost lost hope: "Lord, kung eto na yun, so be it."

IMAGE Instagram

Kapamilya actress and Bb. Pilipinas-Universe 2009 Bianca Manalo said she's grateful for her second life after surviving boating accident in the province of Antique.


Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Bianca Manalo na matinding pagdarasal at lakas ng loob ang kinapitan niya sa loob ng dalawang oras at kalahating nagpalutang-lutang siya sa karagatan.

Base ito sa eksklusibong panayam sa kanya ng veteran entertainment reporter na si Mario Dumaual ng TV Patrol, na nailathala sa ABS-CBNNews.com ngayong Martes, April 3.

Lahad ng beauty queen-turned actress, “Pumasok na yun sa isip ko, na baka di ko na makita yung family ko.

“But lagi ko sinasabi na, ‘Lord, kung eto na yun, so be it.’

"Basta hanggang sa dulo, nagpi-pray lang ako nang nagpi-pray, hanggang sa dumating yung rescue."

Kaugnay ito ng insidenteng pagtaob ng speedboat lulan ang kanilang grupo na papunta sana sa Mararison Island sa Culasi, Antique, noong Huwebes Santo ng umaga, Marso 29.

Ayon kay Bianca, noong una ay "maayos" pa silang pumalaot mula sa Pandan, Antique.

Ngunit mabilis umanong nagbago ang timpla ng dagat at naging malalakas ang hampas ng alon na siyang nagpataob sa kanilang sinasakyang speedboat.

Naiwan si Bianca at pito pang kasamahan sa gitna ng dagat.

Habang ang kanyang nobyo—ang alkalde ng Pandan, Antique na si Jonathan Tan—ay lumangoy patungo sa kalapit na isla upang humingi ng saklolo.

Sa puntong ito, kumapit umano ang grupo ni Bianca sa tumaob na speedboat habang naghihintay sa pagbabalik ng alkalde.

Bilang dating flight attendant, nakatulong daw na marunong lumangoy ang Bb. Pilipinas-Universe 2009 at nanatiling kalmado para sa kapakanan ng kanilang grupo.

Patuloy ni Bianca, “Huwag matataranta. Kapag nag-panic, mas delikado.

"Ang una ko pong ginawa, hinubad ko yung damit ko para hindi mabigat. Ang lakas ng waves!

“Bawat hampas po ng alon, sumisigaw ako sa group na, ‘Kapit! Walang bibitaw!'”

Panay rin daw ang dasal niya, "Lord, please, calm the waters!"

RESCUE EFFORTS. Sa hiwalay na panayam kay Mayor Tan noong March 31, inamin ng alkalde na may nakataling life vests sa speedboat, ngunit hindi nila ito naisuot dahil sa bilis ng pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama raw ng alkalde ang isang nagngangalang Torrebeo Barrientos na mahigit dalawang oras na naglangoy hanggang sa may sumagip sa kanilang isang bangka.

Kuwento ni Mayor Tan, "May isang boat na dumating, sinundo kami, and then pagsundo sa amin, bumalik kami ng shore.

"Nagpakilala ako, nagpahingi ng tulong, at sinabi ko, may walo pa doon.

"So, sumakay ako ng malaking pumpboat, dumiretso kami doon para i-save sila,"

Nasawi ang pinsan at bodyguard ni Mayor Tan na si Bennie Dable matapos umanong atakehin ito sa puso habang nasa gitna ng dagat kasama ang grupo nila Bianca.

GRATEFUL FOR SECOND LIFE. Gayunman, kasama sa mga nailigtas ang dating aktres na si Ehra Madrigal at mister nitong si Tom Yeung.

Ligtas din daw ang kasama nilang dalawang bata at ina ng mga ito.

Sa huli, sinabi ni Bianca sa panayam ng ABS-CBN News na lubos siyang nagpapasalamat sa Diyos sa ipinagkaloob sa kanyang ikalawang buhay matapos makaligtas sa naranasang aksidente.

Hindi raw niya sasayangin ang pagkakataong gampanan kung anuman ang misyon niyang makatulong pa sa kapwa.  


Stories We Are Tracking

Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN