Gabbi Garcia asks fans to report "worst account" on Instagram

IMAGE Instagram photo of Gabbi Garcia

Gabbi Garcia apologizes to Khalil Ramos and Maureen Wroblewitz for being constantly tagged in "worst account" on Instagram that has derogatory posts.


Idinaan ni Gabbi Garcia sa Twitter ang kanyang panawagan para i-report ang isang mapanirang account sa Instagram.

Sa kanyang Twitter post ngayong Martes, April 3, nakiusap ang Kapuso actress sa kanyang fans at sa fans ng tambalan nila ni Ruru Madrid, o mas kilala bilang GabRu, na i-block at i-report ang Instagram user na si @uglybratmaureenkhalil.

“So far, the worst account i’ve ever seen. My apologies to khalil, maureen, and to everyone who got involved.

“Whenever i block this account, he/she just makes another one with the exact same posts.

“Calling all true GR’s & Gabbifieds, Pls report this account,” sabi ni Gabbi sa kanyang post.

Kasama sa post ang screenshots ng ilang mapanirang posts ng nabanggit na IG user.

Mapapansin sa posts ng IG user na paulit-ulit na naka-tag ang Kapuso actress na si Mikee Quintos, Kapamilya actor na si Khalil Ramos, at ang first Pinay na nanalo sa Asia's Next Top Model na si Maureen Wroblewitz.

Si Khalil ay dati nang nauugnay kay Gabbi, ngunit pareho na nila itong nilinaw sa magkahiwalay na panayam.


Stories We Are Tracking

Gabbi Garcia denies Khalil Ramos is her boyfriend
Gabbi Garcia denies Khalil Ramos is her boyfriend
Khalil Ramos clarifies real score with Gabbi Garcia
Khalil Ramos clarifies real score with Gabbi Garcia

Si Mikee naman ay nakatrabaho nina Gabbi at Ruru sa Encantadia.

Si Mikee rin nagbibigay boses sa character na Serena the Dog sa ongoing teleserye na Sherlock Jr., na pinagbibidahan nina Gabby at Ruru.

Samantala, noon pa man ay inamin na ni Ruru na crush niya si Maureen.


Stories We Are Tracking

Is Ruru Madrid courting Maureen Wroblewitz?
Is Ruru Madrid courting Maureen Wroblewitz?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN