Watch Now

Edu Manzano downplays celebrity status as election advantage

Mar 20, 2016
<p style="margin-bottom: 0in;">Senatorial aspirant Edu Manzano feels that being a celebrity doesn't really count much as an advantage for political hopefuls: “May sobrang liit na advantage pero kapag tiningnan mo ang lahat ng mga kandidato, pagdating sa p

“Hindi,” ang sagot ni Edu Manzano nang tanungin ito kung makakatulong ang pagiging artista niya para manalo siya bilang senador sa darating na eleksyon sa May 9, 2016.

“May sobrang liit na advantage pero kapag tiningnan mo ang lahat ng mga kandidato, pagdating sa plataporma, pagdating sa mga may experience na diyan, patas-patas lang kami.

“Mas naki-criticize pa nga ang mga dating artista kaya patas lang ang lahat ng mga kandidato,” dagdag pa niya.

CURBING BRAIN DRAIN. Bilang senatorial candidate ng umbrella coalition na Partido Galing at Puso, hinihimok ni Edu ang pamahalaan na pag-ibayuhin pa ang pagkakaroon ng in-country investments na makapagbibigay ng trabaho sa overseas Filipino workers (OFW ) para hindi na sila umalis ng bansa.

Pahayag niya, “Ang Pilipino ay likas na masisipag.

“Bigyan lang natin ng tamang oportunidad.

“Tignan mo sa ibang bansa, ang ating mga OFW ay mayroong tatlu-tatlong trabaho.

“Kaya sila nandoon, kasi kulang sa oportunidad dito sa bansa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroong sapat at tamang oportunidad, kasabay na nito ang pagbagsak ng krimen at unti-unting pagkawala ng problema sa droga.

“Nakalulungkot na makita ang paghihiwalay ng pamilya sa tuwing ang isang ama o ina ay iiwan ang kanilang mga anak upang magtrabaho sa ibang bayan.

“Kung mayroong sapat na oportunidad dito, hindi na nila kailangang umalis pa.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p style="margin-bottom: 0in;">Senatorial aspirant Edu Manzano feels that being a celebrity doesn't really count much as an advantage for political hopefuls: “May sobrang liit na advantage pero kapag tiningnan mo ang lahat ng mga kandidato, pagdating sa p
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results