Subic Mayor Jay Khonghun denies involvement of Aiko Melendez in his separation

IMAGE PEP Source / @aikomelendez on Instagram

Ipinagtanggol ni Mayor Jay Khonghun ang nobyang si Aiko Melendez dahil sa kumakalat na balitang ang aktres daw ang dahilan kaya naghiwalay sila ng kanyang misis. 


Mariing pinabulaanan ni Mayor Jay Khonghun ng Subic, Zambales ang ilang mga paninira laban sa girlfriend niyang si Aiko Melendez.

Inaakusahan ang Kapamilya actress na sanhi diumano ng hiwalayan ng mayor at ng estranged wife nito.

Sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mayor Khonghun sa telepono ngayong Miyerkules, April 4, nanindigan siyang hindi si Aiko ang sanhi kung bakit tinuldukan nila ng kanyang misis ang kanilang pagsasama.

Pahayag ng alkalde, “Isa lang naman sana ang gusto kong iparating, na hindi si Aiko ang cause ng paghihiwalay namin noon ng ex ko.

"Hindi naman siya ang cause.

"So, yun lang ang gusto kong iparating."

Tumanggi nang magbigay ng karagdagang pahayag si Mayor Khonghun.

Ayaw raw niyang makaladkad pa sa publiko ang pribadong buhay nila ng dating asawa at ng nag-iisa nilang anak.

Malakas daw ang loob nila ni Aiko na magpakita sa publiko dahil wala naman silang itinatago.

Ayon pa kay Mayor Khonghun, ito ang una at huli niyang pagsasalita tungkol sa relasyon nila ng aktres.

Inamin ni Aiko ang relasyon nila ni Mayor Khonghun sa eksklusibo pa ring panayam ng PEP.ph sa aktres noong March 31. 


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor
Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN