Kathryn Bernardo laughs off prediction she'll get pregnant out of wedlock

IMAGE Mark Nicdao for YES! Magazine April 2018

In YES! Magazine's April 2018 cover story, Kathryn Bernardo relates her reaction to prediction that she'll get pregnant before marriage.


Naikuwento ni Kathryn Bernardo, 22, na minsan nang may nanghula sa kanyang mabubuntis siya nang hindi pa kasal.

Ngunit hindi raw siya nag-alala dahil hindi siya naniniwala sa hula.

Pahayag ni Kathryn, “Like, last, last year, may prediction mabubuntis ako. So lahat naprapraning. Parang ‘Chill, guys.’

“Di ba, parang ayaw kong ikaw yung nagse-set ng future ko.”

Base ito sa cover story ng YES! Magazine April 2018 issue, kung saan kasama niya sa cover ang reel-and-real-life sweetheart na si Daniel Padilla.

Ayon kay Kathryn, hindi talaga siya sumasama sa kanyang ina na si Min Bernardo kapag may mga pagkakataong nagpapahula ito.

“Si Mama, nagpapahula, pero pag ‘sinasama niya ako, ayoko parati. Kasi feeling ko, the more na isipin mo, ‘yon at 'yon ang mangyayari.”

Ano ang paborito niyang childhood memory? May regrets ba siya sa kanyang high-school life? Bakit mas gusto niyang si Daniel ang nagtatanggal ng kuko niya sa kamay?

Alamin ang iba pang nakakatuwang kuwento nina Kathryn at Daniel sa YES! Magazine April 2018.

We ask Kathryn and Daniel, "What's the pettiest thing you've fought about?" ......................................................................................... Kathryn: "'Yong napikon lang ako, pag utot sya nang utot. Nababastusan na ako minsan, parang di na nakakatawa. Sadya, or dumidighay." Daniel: "OA ka. Di naman kita ginaganon." Kathryn: "Sobrang sinungaling mo talaga. Haha." Daniel: "Gandahan mo 'yong sagot mo. Aminin mo." Kathryn: "Haha!" ..................................................................................................... OMG! More revelations about this makulit pair in #YESApril2018, out now in stands! For digital subscriptions, visit bit.ly/yesmagapple or bit.ly/yesmagph. #KathNielforYES

A post shared by YES! Magazine (@yes_magazine) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN