Lovely Abella proud of her FHM cover: "Ibig sabihin, naalagaan ko yung katawan ko."

IMAGE Courtesy: FHM Philippines on Facebook

Pangarap na raw dati ng komedyana na si Lovely Abella na maging cover girl ng FHM. Hindi raw niya  inasahang mangyayari pala ito sa totoong buhay.


Matagal na raw pangarap ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella ang maging cover girl ng men's magazine na FHM.

Ito raw ang ginagawa niyang motivation para panatilihing maging sexy ang kanyang katawan sa edad na 32.

Saad ni Lovely, “Minsan may time pa na sasabihin ko sa trainer na magpapa-sexy ako dahil magku-cover ako sa FHM, pero di totoo.

“Yun lang basehan ko para ganahan akong magpa-sexy.

"Kasi ang mga naging cover dun, mga kilalang artista lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovely sa pamamagitan ng Facebook messaging noong Linggo, April 1.

SECOND TIME. Ito ang ikalawang pagkakataong nag-pose si Lovely para sa FHM.

Una ay noong November 2017 issue, kung saan kasama niya ang iba pang Bubble Gang girls.

Laking gulat daw niya nang alukin siya ng FHM na mag-solo cover para sa April 2018 issue. 

Sabi pa ng Sunday PinaSaya mainstay, “Una po, nung sinabihan ako na kung puwede ako mag-cover sa FHM, dalawa agad ang naramdaman ko—masaya at nagdadalawang-isip kasi baka super pa-sexy ang ipagawa sakin.”

Nagpaalam daw kaagad siya sa kanyang anak na babae.

“Nagpaalam talaga ako sa kanya bago ko yun ginawa or bago ako nag-decide.

“Pumayag siya, pero sabi niya, tulad lang daw nung Bubble Gang namin na cover, huwag daw sobrang sexy.”

Kahit may isang anak na ang komedyana, proud daw siya sa kanyang naging desisyon na mag-pose nang sexy sa FHM.

Pahayag ni Lovely, “Dun sa nagsasabing may anak na ako pero nagpu-pose pa din ako, dapat maging proud kayo sa akin.

"Kasi, ibig sabihin, naalagaan ko yung katawan ko, hindi ko pinabayaan at nagpa-sexy ako nang bongga.”

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Hindi raw nakialam sa kanyang ginawang desisyon ang boyfriend ni Lovely na si Benj Manalo, anak ng comedian na si Jose Manalo.

Aniya, “Pumayag siya.

"Actually, sa pagdedesisyon, hinahayaan niya po ako dahil alam naman niya kung ano ang gusto ko, at alam ko naman kung mali ang ginagawa ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mensahe ba siya sa haters niya dahil sa kanyang cover?

Tugon ni Lovely, “Message ko sa mga haters… na bumili at basahin nila ang FHM ko dahil di lang sila mapapa-wow, mai-inspire pa sila dahil talagang inakyat ko isa-isa ang hagdan para maabot ko lahat kung saan man ako ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN