Kakai Bautista on agreeing to work with Ahron Villena: "Kailangan ko ng pera."

IMAGE Instagram (@ilovekaye)

Kakai Bautista on Ahron Villena: "Okay na okay kami. Ganun talaga pag tapos na. Sabi ko nga, 'Sa tingin mo ba papayag akong gawin pa ang pelikula kung mahal pa kita? Hindi na, 'no!' E, wala nang hurt. Tapos na."


“Okay naman po kami.”

Ito ang paniniyak ni Kakai Bautista tungkol sa relasyon nila ni Ahron Villena pagkatapos ng kanilang hidwaan noong nakaraang taon. 

Nagsimula ang hidwaan nila nang burahin ni Ahron ang mga larawan nila ni Kakai sa Instagram noong 2016.

Base rin sa kanyang mensahe, tila na-friendzone ng aktor ang komedyana.

Sa presscon para sa kanyang musical play noong 2017, sinabi ni Kakai na ayos na sila ni Ahron at tanggap niya kung ano ito.

Ikinagalit naman ito ni Ahron dahil tila kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

Maanghang na pahayag niya laban sa komedyana: “Tanggap mo kung ano ako? Saan galing yun?

"Bakit ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba?

"Ako ang alam ko NEVER naging tayo."

Inamin naman ni Kakai sa interviews na totoong na-fall siya kay Ahron.

Pero nakita sa social media na muling magkasama ang dalawa bago matapos ang 2017.

BECAUSE OF MONEY. Sa kasalukuyan ay may ginagawang pelikula sina Kakai at Ahron.

Paniniyak ng comedienne, naka-move on na siya kaya pumayag siyang gawin ang pelikula.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman, kasi wala na, e. Yung okay na kami, alam mo yun?

“Sabi ko nga, everybody deserves a second chance, even friendship.

"Bigyan na lang namin ang isa't isa ng second chance, di ba?

“Marami din naman kaming natutunan sa ginawa namin sa isa't isa at sa mga nangyari.”  

Dagdag ng 39-anyos na aktres, “Tsaka tinanggap ko yung pelikula kasi kailangan ko yung pera. Yun talaga.

“Sabi ko talaga sa kanya, ‘Kaya ko tinanggap ‘to dahil pera kasi iyon.’

"Parang pinag-isipan kong mabuti, nag-consult ako, ‘Ano ba? Gagawin ko ba ‘to?’

"Kasi, sigurado sabong na naman ang mga etchoserang palakey [palaka], di ba?

“'Tapos andami ko na namang maririnig, andami na namang ganito.

“Inisip ko, kailangan ko ng pera, kailangang mag-ipon, may pinag-iipunan ka. Isipin mo na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And okay na naman kayo. Enjoy mo lang. So, yun lang ang nakatatak sa isip ko.

“Iisipin ko pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa pangangailangan ng pamilya ko? Siyempre hindi.

"Unahin ko ang pamilya ko. Saka na muna ang feelings!" sabay tawa ni Kakai.

Diin pa niya, “Okay na okay kami. Ganun talaga pag tapos na.

“Sabi ko nga, ‘Sa tingin mo ba papayag akong gawin pa ang pelikula kung mahal pa kita? Hindi na, 'no!’

“E, wala nang hurt. Tapos na.”  

Isang romantic comedy ang pelikulang ginagawa nina Kakai at Ahron.

May working title itong Harry & Patty at idinidirek ni Julius Alfonso, direktor ng Deadma Walking. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN