Sarah Geronimo almost gave up her dream 15 years ago

IMAGE Instagram photo of Bang Pineda

Sarah Geronimo on moment prior to winning Star For A Night, "Noong sumali ako sa Star for a Night, parang nag-give up na ako sa dream ko na sumikat, na makilala bilang singer o artista, dancer din minsan-minsan."


Kung hindi nanalo si Sarah Geronimo sa talent search show na Star For A Night, 15 years ago, may posibilidad na hindi niya itinuloy ang kanyang singing career.

Sa live session with Sarah, na ipinalabas ng Viva Entertainment kahapon, April 3, inalala ng 29-year-old singer na halos isinuko na niya ang pangarap maging isang kilalang singer nang sumali siya sa show, kung saan host ang isa sa mga iniidolo niyang si Regine Velasquez.

“Noong sumali ako sa Star For A Night, parang nag-give up na ako sa dream ko na sumikat, na makilala bilang singer o artista, dancer din minsan-minsan,” sabi ni Sarah ka-batch niyang si Mark Bautista, na nagsilbing interviewer niya sa 13-minute live session.

Aminado rin ang Kapamilya artista na ang pangunahing dahilan kaya sumali siya sa Star For A Night ay ang perang kasama sa mga matatanggap na premyo.

“Parang ako, sumali lang ako sa Star For A Night for the prize.

“Kasi, kailangan talaga namin noon [ng pera]. Di ba, kailangan talaga natin ng pera noon?

“Hindi na natin inisip yung long-term, yung prize lang talaga, makatulong sa family.

“Hindi ko ine-expect na magtutuluy-tuloy pala, makikilala ako na mang-aawit, ganyan, na artista.”

Itinanghal na grand champion si Sarah sa Star for a Night noong March 1, 2003.

Bilang selebrasyon sa kanyang ika-15 anibersaryo sa showbiz, magkakaroon ng concert si Sarah, ang This 15 Me, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa susunod na Sabado, April 14.

Itinuturing niyang isa na nama itong milestone sa kanyang showbiz career.

“Another milestone, siyempre, 15 years. Akalain mo ba namang tatagal ng 15 years?” sabi ni Sarah.

WHAT'S NEXT? Sa loob ng 15 taon, nagawa na ni Sarah halos lahat ng kanyang mga pinapangarap—ang maging kilalang singer, actress, pati na ang pagiging dancer.

Kaya naman tinanong siya ni Mark kung ano pa ang mga plano niyang gawin sa mga susunod na taon niya sa show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sarah, “Sa career, ako, hindi naman talaga ako after dun sa talagang dapat ma-maintain yung popularity, lahat naman ng bagay, may saturation point 'yan.

“I-embrace lang natin kung ano yung darating sa buhay natin.

“Basta ako, kung bibigyan pa ako ng pagkakataon, sana I can still continue making music, recording songs na mga original talaga.

“Yun talaga ang kailangan natin para sa OPM.”

Diin pa niya sa huli, “Yun lang, hangga't kaya pa mag-perform, mag-record ng song.”

Sabay na ire-release ang bagong album ni Sarah sa kanyang This 15 Me concert. Kasama rito ang mga digitally released niyang kanta na "Sandata" at "Ganito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN