Nagbigay babala si Anne Curtis sa mga nagpaplanong mag-swimming ngayong summer.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories ngayong Miyerkules, April 4, inalala ni Anne Curtis ang napakadelikadong insidenteng naranasan niya apat na taon na ang nakalilipas.
Habang nagte-taping para sa dating fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel sa Batangas noong 2014, nadikitan ng dikya o box jellyfish si Anne.
Sabi ni Anne sa kanyang posts, “About this time 4 years ago I almost lost my life to a box jellyfish
“I am very thankful that I got stung by only half a tentacle.
“So, even if I experienced all the symptoms—vomitting in a span of 1 minute, extreme pain and delirium—the venom was not enough to put me into cardiac arrest and turn into a fatal sting.”
Kalakip dito ang mga larawang kuha matapos siya bigyang lunas sa isang ospital.



Sumunod niyang post, ipinaalala ni Anne ang mga posibleng delikadong sitwasyon na maaaring maranasan ng mga magpupunta sa beach ngayong summer.
“This summer, be careful in our waters,” sabi ng 33-year-old It's Showtime host.
“Because yes, we do have one of the world's deadliest jellyfish in Philippine seas—the box jellyfish...
“The ocean is their home. We are merely visitors.
“So it is our responsibility to be careful and ask locals if we should be on the look out for jellyfish in their waters when going for a swim.”

Sa huli ay nagpasalamat din si Anne sa Diyos sa pagkakaligtas niya sa nasabing insidente.
“Thank you Lord for giving me the gift of life.”
