Elisse Joson clarifies reported love trouble with McCoy de Leon

IMAGE Noel Orsal

Elisse Joson on overcoming misunderstandings with rumored boyfriend McCoy de Leon: "Kung kayong dalawa meron kayong gustong ayusin, meron kayong something na off, pag-usapan."


Nilinaw ni Elisse Joson, 22, na tila na-misinterpret siya nang minsan niyang sabihing “may pinagdadaanan” silang problema ng rumored boyfriend na si McCoy de Leon, 23.

Napapanood sila bilang magka-love team sa ABS-CBN prime time series na The Good Son.

Pahayag ng young actress, “I think I’ve said it before, na bawat relationship, mapa-love team or personal, lahat naman may pinagdadaanan.

“Hindi ko naman binabawi, it’s just that maybe they took it too big, naging masyadong malaki yung word na ‘pinagdaanan.’”

Kung nagkakaroon man daw sila ng hindi pagkakaunawaan ni McCoy ay naaayos din kaagad.

“For me, it’s just kung ano yung normal na ups and downs, yun pa din, nadadaan naman sa pag-uusap.

“Depende naman sa tao. Kung kayong dalawa meron kayong gustong ayusin, meron kayong something na off, pag-usapan.

“That’s what we learned recently, how to talk it out, how to open up.”

Pantay lang daw sila ni McCoy pagdating sa pagiging bukas sa kanilang nararamdaman.

“Sa mag-express ng feelings, mag-o-open ako.

"But sometimes, sa kanya manggagaling, mag-i-initiate na ganun… So double effort din talaga.”

Magkahiwalay na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Elisse at McCoy sa set visit ng The Good Son, sa Tivoli Royale Clubhouse sa Quezon City, noong March 19.

Dito ay kinumpirma ni McCoy na mas naging mature sila ni Elisse sa tuwing mayroon silang hindi pagkakaintindihan.

Sabi ng binata, “Iba kami sa ibang love teams.

"Mas kailangan namin magdahan-dahan. Bawat move, dapat pag-isipan namin.

“Kaya ngayon, may ups and downs man sa lahat ng bagay, dun kami natututo. Mas nag-uusap kami ngayon.”

Ayon kay McCoy, hindi isyu sa kanila ni Elisse ang pagbabalanse ng kanilang career at personal relationship.

“Nasa iyo naman kung makakaapekto nang hindi maganda.

“Para sa akin, puwedeng makaapaekto nang maganda yung personal at career. I-enjoy mo lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN