Sharon Cuneta says husband Sen. Kiko Pangilinan kept his promise to love her forever

IMAGE Instagram (@reallysharoncuneta)

Sharon Cuneta to husband Sen. Kiko Pangilinan: "Everyone promised me love forever. Only you seem to have kept it."


Makahulugan ang mensahe ni Sharon Cuneta para sa asawang si Senator Kiko Pangilinan tungkol sa kanilang pagsasama.

Ito ay pagkatapos magkomento ng senador sa mahabang Instagram post ng Megastar nitong Miyerkules ng gabi, April 4.

Sa kanyang post, inilahad ni Sharon kung paano ipinaparamdam ng asawa—pati na ang kanilang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel—ang pagmamahal sa kanya.

Lalo na nitong mga nakalipas na araw pagkatapos niyang maoperahan upang tanggalin ang lipoma sa kanyang batok.

Ipinagtanggol din ng 52-year-old actress/singer/TV host si Kiko mula sa mga kritiko.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta gets more love from family after her surgery
Sharon Cuneta gets more love from family after her surgery

Dito ay nag-comment si Senator Kiko: “Because after all is said and done only love conquers all.”


Naging malaman ang sagot ng Megastar dito.

Aniya, marami ang nangakong mamahalin siya habambuhay, pero si Kiko lamang daw ang tumupad nito.

“Yes Sutart [Sweetheart]. Everyone promised me love forever. Only you seem to have kept it. I love you.”


Unang ikinasal si Sharon sa dating asawang si Gabby Concepcion noong 1984.

Nagkaroon din ng relasyon ang Megastar sa mga kilalang aktor na sina Robin Padilla at Richard Gomez, at sa negosyanteng si Charlie Cojuangco.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son
Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son

NO MENTION OF KC. Samantala, sa comments section, maraming netizens ang nagtaka at nagtanong kung bakit hindi binanggit ni Sharon ang panganay na anak na si KC sa kanyang post.

Usisa ng marami kung may tampuhan ba sila ni KC, anak ni Sharon kay Gabby.







Marami ring netizens ang pumuri kay Sharon sa pagsasama nila ni Kiko, at sinabing magandang ehemplo ang kanilang pagsasama at pagmamahalan. 




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN