Ex-couple Sarah Geronimo and Rayver Cruz spotted at Matteo Guidicelli's 28th birthday bash

IMAGE Instagram @ahwelpaz / @mateoguidicelli

Matteo Guidicelli celebrated his 28th birthday with his girlfriend Sarah Geronimo (left) and other invited showbiz personalities, including the Popstar Princess's ex-boyfriend Rayver Cruz (right).


Sa isang pambihirang pagkakataon, ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang highlights ng kanyang 28th birthday bash sa piling ng mahal sa buhay at ilang malalapit na kaibigan.

Ginanap ito noong March 26 sa pag-aaring restaurant ni Matteo na Da Gianni sa Alabang, Muntinlupa.

Dito ay kapansin-pansin na kabilang sa mga bisita ni Matteo ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo, Rayver Cruz, at ilan pang showbiz personalities.

Sa caption ng kanyang Instagram post ngayong araw, April 5, sabi ni Matteo, "only good vibes allowed.”


Hindi kaila sa publiko na minsang itinuring ni Sarah si Rayver na kanyang "first real heartbreak."

Lihim na naging magkarelasyon ang dalawa mula early 2009 hanggang April 2010.

Sa YES! Magazine March 2011 issue, nailathala ang masalimuot na kuwento kung paano nag-umpisa hanggang nagtapos ang kanilang pag-iibigan.

Ngunit sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya noon, matagal nang masaya sina Sarah at Rayver sa kani-kanilang personal na buhay.

Sa kasalukuyan, si Sarah ay mahigit apat na taon nang karelasyon si Matteo.

Habang si Rayver ay nauugnay sa Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

KILIG MOMENTS. Ayon kay Matteo, lubos ang kanyang kasiyahan dahil naka-duet pa niya ang girlfriend na si Sarah kasama ng live band na tumugtog sa party.

Base sa kanyang Instagram story, sabi ni Matteo, "The most fun I had on stage, was this night."

Kinanta nila ang original hit song ni Sarah na “Kilometro.”

Panay ang tukso ni Sarah sa nobyo habang kinakanta ng binata ang lyrics na, “Gagawin ko ang lahat upang sa huli ay tayo."

Nakangiting hirit ni Sarah, “Totoo ba?! Totoo ba?!”

Nakunan din ng DZMM reporter na si Ahwel Paz ang sweet moment kung saan masuyong hinalikan ni Matteo si Sarah sa pisngi habang sila ay nagpapalitrato kasama ng ilan pang bisita.

CELEBRITY GUESTS. Samantala, ilan pa sa showbiz personalities na dumalo sa birthday ni Matteo ay sina Cherie Gil, Vicki Belo, at Hayden Kho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

3 - only good-vibes allowed ????????

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

Naroon din ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Carlo Aquino, Julia Barretto, at Sofia Andres.

2 - Live. Laugh. Love. #28 #goodvibes

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN