Jenine Desiderio denies receiving financial support from daughter Janella Salvador

IMAGE Courtesy: Jenine Desiderio on Facebook / Noel Orsal

Mariing pinabulaanan ni Jenine Desiderio na umaasa siya sa kita ng anak na si Janella Salvador. Ayon sa kanya, lahat ng kinikita ni Janella sa showbiz ay para lamang sa young actress. 


Patuloy pa rin ang pakikipagsagutan ng singer-actress na si Jenine Desiderio sa ilang followers niya sa Instagram.

Tanong ng ilang netizens, bakit tila maraming oras si Jenine na sumagot sa mga nagkomento sa kanyang Instagram post noong April 3.

Parang ang dating, wala siyang pinagkakaabalahan sa buhay dahil marami siyang panahon para makipagsagutan sa kanila.

Kasunod nito ang banat ni Jenine sa bashers na sila ang walang mga inaalala sa buhay dahil marami silang oras na inilalaan upang magkomento sa kanyang post. 



 

Itinanggi rin ni Jenine ang akusasyon ng isang netizen na umaasa lang siya sa kita ng anak na si Janella Salvador.


Buwelta niya sa isang netizen, “Alam mo kase, Flor, nabuhay ko si Janella nang maayos kahit na nung hindi pa siya artista.

“Napag-aral ko siya sa magandang school, at nadadala ko siya abroad as vacation.

“Lahat ng kinita niya sa showbiz ay kanyang-kanya lang.

“Kaya kong mabuhay kahit isang beses isang buwan lang ako mag-show. Yun kase halaga ko.

“Nagkakaintindihan ba tayo? Tagalog na ito ha!”

Hindi nagsasama si Jenine at ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador.


 

July 2017, naghayag ng kanyang pagkadismaya si Jenine kay Janella.

Sinabi pa niyang nuknukan ng tigas ng ulo ang anak.

September 2017, umamin si Janella na mayroon nga silang hindi pagkakaintindihan ng ina.

Mula noon ay hindi pa nagkakaayos ang mag-ina.


Stories We Are Tracking

Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella
Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN