Regine Velasquez's advice to stepdaughter Leila Alcasid after joining showbiz: "Professionalism."

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Ang pagiging propesyunal daw sa showbiz ang isa sa mga susi upang magtagal ang isang celebrity sa industriya. Kaya naman ito ang payo ni Regine Velasquez sa stepdaughter niyang si Leila Alcasid ngayong pumasok na rin ito sa showbiz. 


Ngayong pumasok na sa showbiz ang stepdaughter ni Regine Velasquez na si Leila Alcasid, may isa lang daw silang bilin ng mister na si Ogie Alcasid dito.

Si Leila, anak ni Ogie sa unang asawa nitong si Michelle Van Eimeren, ay kabilang sa 2018 Star Magic Circle.

Ayon sa Asia’s Songbird, “Siguro yung unang una-yung lagi naming itinuturo sa kanya ng tatay niya, yung professionalism.

“Kasi kahit na lahat nali-late na, huwag lang ikaw, kesehodang ma-late sila.

"And she’s ano naman... following that."

Ang pagiging propesyunal daw sa showbiz ang isa sa mga dahilan kaya nagtatagal ang mga artista sa industriya. Katulad na lamang ni Regine at ng asawang si Ogie.

Saad pa ni Regine, “Kasi, di ba, yung tatay niya, kahit na… hindi nagrereklamo yun kahit saan mo ilagay.

“So, yun yung… kasi sa akin, yun yung importante, e.

"Huwag mong hinahayaang pinaghihintay mo yung lahat ng tao.

"It’s not nice, parang hindi masyadong proper."

May mga panahong hindi talaga ito maiiwasan, kaya pinayuhan din ni Regine ang stepdaughter na huwag mahiyang ipagbigay-alam ito sa produksiyon.

“And if you do, kasi of course, magkakaroon naman ng panahon na mali-late ka, to at least call and let them know, para lang naman medyo hindi naghihintay yung mga tao.

“Yun kasi ang importante sa amin, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa media conference ng 3 Stars, 1 Heart  sa 17th floor ng GMA Network Center, Quezon City, ngayong Martes, April 5.

3 STARS, 1 HEART. Ang 3 Stars, 1 Heart ay isang music spectacular na unang ginanap sa Cebu noong January 2018.

Kasama ng Asia’s Songbird sa konsiyerto ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista at Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.


Dahil full house ang attendance nito sa Queen City of the South, napagkasunduan ng GMA Entertainment Content Group (ECG) at GMA Regional TV (GMA RTV) na sa Pangasinan naman nila ito dalhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaganapin sa April 14, sa CSI Stadia sa Dagupan, ang tinaguriang “spectacular onstage experience” ng mga Pangasinense.

Ang 3 Stars, 1 Heart ay itatanghal din sa Dubai sa June 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN