Ehra Madrigal and husband speak up about tragic boat accident in Antique

IMAGE Courtesy: News5

Isang linggo pagkatapos maganap ang trahedyang kinasangkutan, nagsalita na rin ang mag-asawang Ehra Madrigal at Tom Yeung tungkol sa paglubog ng speedboat na kanilang sinakyan papunta sa isang isla sa Culasi, Antique.


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Ehra Madrigal at ang asawa nitong si Tom Yeung kaugnay ng aksidenteng kinasangkutan nila sa Antique noong March 29, Maundy Thursday.

Lumubog sa karagatan ng Culasi, Antique ang sinakyan nilang speedboat.

Kasama nila sa speedboat ang aktres na si Bianca Manalo at boyfriend nitong si Mayor Jonathan Tan ng Pandan, Antique.

Bukod sa kanila, may anim pa silang ibang kasama—isang mag-asawa at dalawa nilang mga anak, at dalawang bodyguards ni Mayor Tan.

Dahil sa insidente, isa sa kanila ang namatay—ang pinsan at bodyguard ni Mayor Tan na si Bernie Dable.

Papunta sana ang kanilang grupo sa Mararison island.


Stories We Are Tracking

Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca, Ehra among survivors of boat capsize accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Bianca's mayor BF relates rescue efforts after boat accident
Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident
Mayor Jonathan Tan tells how they survived boat accident

Isang linggo matapos ang aksidente, nagpaunlak ng eksklusibong panayam sina Ehra at Tom sa News5 entertainment reporter na si MJ Marfori kahapon, April 5.

Lumabas ang report sa Aksyon Tonite at sa YouTube Channel ni MJ na @MJMarfori.

Dito ay inilahad nina Ehra at Tom ang eyewitness account nila sa pangyayari.

THE INCIDENT. Ayon kay Ehra, napakabilis ng pangyayari at hindi niya maalala kung paano lumubog na lamang bigla ang sinasakyan nilang speedboat.

Lahad ng aktres, habang katabi ang mister na si Tom, “Nung nag-sink yung boat, parang everything happened so fast.

"'Tapos nakita ko na pumasok na lahat nung water sa boat, parang nag-side siya na lulubog, parang tumingin pa ako.

“Parang may life vest, nakatali pa siya dun sa isang side.

"Parang it's too late na you can't get it, kasi parang almost half na...

"Nakalubog na talaga yung whole part nung boat, so ang instinct ko ay to jump, e.

"I even don't know how to swim.

“But, of course, parang di ko alam kong paano ako... ganun na automatic naman na nagpu-float ka, e [pag nasa water].

“I mean, hindi naman talaga ako swimmer, pero you will do whatever [way] for you to survive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yun, parang nag-swimming na lang kami.

"'Tapos parang I can't hold on dun sa boat, kasi parang dumudulas siya."

Dito na raw nangyari ang kinatatakutan niya—isa sa kanilang kasamahan ang nasawi.

Pagpapatuloy pa ni Ehra, “'Tapos, parang lumipat na lang ako sa harapan.

“'Tapos, yung namatay, si Kuya Benny [was] beside me, I was still talking to him.

"Parang, sabi ko, 'Kuya Benny, kapit ka lang.'

"Parang, I asked him, 'Kuya, marunong ka ba mag-swimming?'

“Sabi niya, hindi daw.

“So, pinakalma ko siya. Ini-instinct ko na, 'Okay, sige...'

"Hindi siya marunong mag-swimming."

Sabi pa raw ni Ehra sa kasamahan, "Kinakabahan rin ako, Kuya, kasi hindi rin ako marunong mag-swimming."

Paliwanag niya, "Kasi baka mamaya hilahin niya ako, e, o kaya baka mag-panic siya.

"But the whole time, he was so... sobra siyang kinakabahan, talagang takot na takot na siya."

THE CASUALTY. Pagkatapos daw ng ilang sandali ay bumigay na raw si Bernie o Kuya Benny.

May karamdaman daw ito sa puso na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Dagdag pa ni Ehra, “'Tapos parang sumisigaw na siya na, 'Woooo, hindi ko na 'to kaya, hindi ko na kaya!'

“Sabi ko, 'Hindi, Kuya, kaya 'yan.'

"Ta's yung next niya, parang lumalabo na yung paningin ko and I got scared.

"'Tapos bigla kong na-visualize na I saw my dad in the hospital bed, lifeless, and then 'tapos biglang may mamamatay ulit.”

Noong March 5 lamang pumanaw ang ama ni Ehra at ng kapatid na si Michelle Madrigal dahil sa kumplikasyon sa atay at kidney.


Stories We Are Tracking

Michelle and Ehra Madrigal's father passes away
Michelle and Ehra Madrigal's father passes away

Hindi raw maatim ni Ehra na makakita ng isang taong mamamatay dahil kailan lang pumanaw ang kanyang ama.

Pagpapatuloy niya, “'Tapos, parang natakot ako.

"'Tapos, I have to calm myself down, kasi hindi ako dapat pangunahan ng takot, e.

"Kasi, kung hindi, any moment bibigay ka or because of the waves, puwede kang anurin, hindi dahil sa lunod kundi dahil sa waves and everything [puwede ka mamatay]…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito na raw kinausap ni Ehra ang mister niyang si Tom.

"Nakatingin ako sa kanya [Tom].

“Sabi ko, 'Love, love, si Kuya, si Kuya...'

"So, kinuha niya si Kuya at inilagay niya dito [sa kanyang balikat], 'tapos biglang hinimatay na si Kuya.

“So, si Tom, medyo nag-panic na rin. Sabi, 'Anong gagawin ko dito, anong gagawin ko sa kanya.'

“And then, kasi may kasama kaming dalawang kids, yung anak ng friend ko.

"Sabi nung eldest daughter niya, 'Tito Tom, try to slap him, try to wake him up.'

“He was trying, but si Tom, hinawakan niya, siya na yung nag-aalalay, bumula na yung bibig.”

Ayon pa kay Ehra, “So, hindi naman namin alam na may heart problem pala.

"Yun pala, dahil akala niya nakainom ng maraming tubig, so he [Tom] was panicking, kasi alam niya na hindi ako marunong mag-swimming.

"He kept on telling me na, 'Ehra, don't drink water, don't drink water.'

"Kasi, feeling niya [baka malunod ako]."

Naging alerto pa din raw si Ehra dahil ayaw niyang panghinaan ng loob at mag-panic.

Dagdag naman ni Tom, “Fifteen minutes lang siya sa akin...” at namatay na raw si Bernie.

NO ONE'S TO BLAME. Sa pagpapatuloy ng panayam nina Ehra at Tom kay MJ, iginiit nilang walang dapat sisihin sa nangyari.

Sabi ni Ehra, “Malapit na kami sa island, hindi kami umabot.

"Basta malapit na, everything really happened so fast."

Inamin din ng mag-asawa na masyado silang nagtiwala sa sitwasyon at hindi sila naging mapagmatyag sa kanilang biyahe.

Sanay naman daw sila sa pagsakay ng mga bangka o speedboat dahil palagi silang bumibiyahe ng asawa.

Pahayag ni Ehra, “Siguro mali na rin namin na, adults na rin naman kami, siguro [dapat] kinuha na rin namin yung life vest.

“Pero siyempre... pero yung iba na pag may SOP [standard operating procedure] na kailangang sundan, parang pag...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro we can't blame anyone naman, kasi wala namang may gusto na maaksidente.

"But if ngayon, kung iisipin mo talaga, siguro ngayon, if things should have been different or mas maiiwasan yung ganito...

"Kung mado-double check lahat, weight namin, yung weather... Kasi okay, e, sobrang maaraw.

"Or kung meron bang may radyo dun [sa mga naiwan], pero wala kaming radyo."

Nagawa namang magbiro ni Tom sa panayam sa kanila.

Sabi niya, “Hindi ako dapat mawawalan ng asawa, one year pa lang.”

Noong nakaraang taon lamang sila ikinasal ni Ehra.

Ayon pa kay Ehra, palagi silang nag-uusap ng kaibigang si Bianca Manalo at nagkukumustahan sa kanilang sitwasyon ngayon.

Maituturing daw ni Ehra na milagro ang nangyari sa kanila.

Aniya pa, “Sobrang life-changing talaga."

Sasailalim daw sila sa debriefing upang mabawasan ang trauma na kanilang nararamdaman dahil sa insidente.


Stories We Are Tracking

Ehra Madrigal weds businessman Tom Yeung in Boracay
Ehra Madrigal weds businessman Tom Yeung in Boracay
Ehra Madrigal ends singlehood with boudoir shoot
Ehra Madrigal ends singlehood with boudoir shoot
Ehra Madrigal and Tom Yeung's Boracay wedding
Ehra Madrigal and Tom Yeung's Boracay wedding

Sa huli, sinabi ni Ehra na dapat maging matalinong biyahero ang lahat kapag magbabakasyon.

“Lesson learned, double check everything, always may life vest, everything, double check lahat, kasi siyempre kapalit nun buhay.”

SECOND LIFE. Samantala, sa kanyang Instagram account kagabi, naghayag si Ehra ng pasasalamat sa lahat ng nagdasal sa kanilang kaligtasan.

Maituturing daw niyang “second life” ang pagkaligtas nila sa trahedya.

Mensahe ni Ehra, “Hi everyone! it’s been a week since our boat capsized in antique. I’m more than grateful that we survived!!!

"LORD, thank you so much for this second life! 3 hours in that sea was no joke! my life is forever changed after this tragic accident.

"Still recuperating at home and taking meds and antibiotics coz I have pneumonia and asthma from drinking seawater and inhaling too much gasoline. 

"I may have some bruises, sunburn and bouts of anxiety attack (everything is totally sinking in now) but my spirit is definitely stronger!

"I just have so much love to give! will get better coz I can’t wait to see and hug all my loved ones and friends soon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"To everyone who messaged, I’m not sure if I received everything since we didn’t have phones from Thursday-Monday but please know that it meant a whole lot!

"Thank you from the bottom of my heart! Your messages, prayers, love and concern helps in my healing. love and light to all!"

...hi everyone! it’s been a week since our boat capsized in antique. i’m more than grateful that we survived!!! LORD, thank you so much for this second life! 3 hours in that sea was no joke! my life is forever changed after this tragic accident. still recuperating at home and taking meds and antibiotics coz i have pneumonia and asthma from drinking seawater and inhaling too much gasoline. i may have some bruises, sunburn and bouts of anxiety attack (everything is totally sinking in now) but my spirit is definitely stronger! i just have so much love to give! will get better coz i can’t wait to see and hug all my loved ones and friends soon! to everyone who messaged, i’m not sure if i received everything since we didn’t have phones from thursday-monday but please know that it meant a whole lot! thank you from the bottom of my heart! your messages, prayers, love and concern helps in my healing. love and light to all! ????????????

A post shared by Ehra Madrigal-Yeung (@iamehramadrigal) on

THE SPEEDBOAT DRIVER. Kaugnay pa rin ng insidenteng ito, may isang detalye na tila taliwas sa naging pahayag noon ni Mayor Jonathan Tan.

Ito ay tungkol sa kung sino ang nagmamaneho ng speedboat.

Sa naunang panayam ng Aksyon TV kay Mayor Tan, sinabi nitong ang pinsan at bodyguard niyang si Bernie Dable ang nagmaneho sa speedboat.

Aniya, “Yung cousin ko, siya ang nagmamaneho.

"Namatayan na kami, e. Sana naman maintindihan niyo.

"Hindi naman kami ang may gusto nito, e."


Ngunit sa panayam ng News5 kay Tom, sinabi niyang si Mayor Tan ang nagmaneho ng bangkang lumubog.

Pahayag ng mister ni Ehra, “Sa captain's seat si Mayor at si Bianca, 'tapos yung dalawang bodyguard, nakatayo sila sa likod.”

Ayon pa rin sa ulat ng News5, maaaring “overloading” ang dahilan ng paglubog ng speedboat. Masyado raw kasi itong maliit para sa sampung tao.


May mali rin daw sa tinahak nilang ruta papunta sa isla.

Wala pang pahayag si Mayor Tan tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN